embed embed2
  • Nalampasan Ni Meryll Soriano Ang Gestational Diabetes, Anxiety Sa Pagbubuntis

    Sinabihan daw siya ng kanyang doktor na sa kanyang edad na 38, “risky and difficult” ang kalagayan.
    by Jocelyn Valle .
  • Nalampasan ni Meryll Soriano ang gestational diabetes, age factor, at anxiety para ligtas na maipanganak ang panganay nila ng partner na si Joem Bascon.

    Ikinuwento ng aktres sa Instagram ang kanyang pinagdaanan, bagamat hindi niya sinabi kung kailan siya nanganak at ano ang pangalan ng sanggol. Ginulat na lang niya ang lahat noong bagong taon. (Basahin dito.)

    Maliwanag naman na nagkaroon ng baby brother ang 13-year-old son niyang si Elijah Palanca. Ang daddy ni Elijah ay ang ex-husband ni Meryll na si Bernard Palanca

    “Pushed my heart out,” bungad ni Meryll sa kanyang post nitong January 9, 2021. Kaya pagkatapos ng 10 hours na pagle-labor, matagumpay niyang nailuwal sa pamamagitan ng “normal birth delivery” ang sanggol na may timbang na 7 pounds at haba na 20 inches.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Nagbalik-tanaw si Meryll sa panahong nagdadalang-tao pa siya. Sinabihan daw siya ng kanyang doktor na sa kanyang edad na 38, “risky and difficult” na ang kanyang kalagayan. Ang nangyari tuloy, nagkaroon siya ng anxiety sa huling bahagi ng kanyang pagbubuntis.

    Gestational diabetes ang isa pa niyang ininda bandang 6 o 7 months ng pregnancy. Ang ibig sabihin daw nito, kinailangan niya ang four times na glucose test at insulin shot kada araw. Hindi naman daw niya mabilang kung ilang beses siyang nagpaalam sa pagkain ng mga matatamis tulad ng donuts, chocolates, at cakes. 

    Ang ginawa ni Meryll, pinili niya ang “healthy food intake” at pinursige ang pagwo-work out mula apat hanggang limang beses sa isang linggo. Hangga’t makakaya rin niya, ginawa niya ang yoga.

    Pag-amin niya, “It was hard work and it was difficult and tiring most of the time. But, again, my age is a factor. I did what was needed to be done.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    At nagawa naman ng new mom, kaya proud daw siyang nakamit ang “healthy pregnancy and safe delivery.”

    Laking pasalamat ni Meryll kay Joem, na aniya, “he helped me stay on track.” Tinigilan daw ng kanyang boyfriend ang pagbili para sa kanya ng Cloud 9 chocolate bar at HawHaw (o Haw Flakes) candy. Sinamahan din daw siya ng tinatawag niyang “Dud” sa kanyang pregnant workouts.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lahad niya, “There are no words to explain the taking-care-of-me part. He’s the best. Thank you so much, Dud.”

    Nagpaabot din si Meryll ng thank you sa kanyang “rockstar OB,” na doktor niya mula noong ipinagbuntis niya si Elijah, na tinatawag din niyang Eli. Pati na sa lahat ng doctors at nurses na nag-alaga sa kanilang mag-ina sa ospital. May shoutout din siya sa kanyang pinsan na pinagmaneho sila kung saan man sila bumiyahe.

    Pahayag ni Meryll, “We are the happiest to get to share this experience to our parents and family. Family is everything. And to Kuya Eli, who has been secretly wishing for a brother since he was 10. Bless his heart.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles