embed embed2
P10,000 Ang Maaaring Matanggap Sa GSIS Educational Subsidy Program: Alamin Kung Paano
PHOTO BY Shutterstock
  • Kung aktibo kang miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS), maaaring makatanggap ang iyong anak o dependent na college student ng tulong pinansyal.

    Ito ay sa pamamagitan ng GSIS Educational Subsidy Program, na taunang tumatanggap ng aplikasyon. Sa ngayong academic year na 2022-2023, tatakbo ang application period hanggang August 31, 2022 para sa kabuuang 10,000 slots.

    Sa ilalim ng programa, makakatanggap ang bawat estudyante ng hanggang Php10,000 mula sa GSIS kada taon hanggang matapos ang kani-kanilang mga kurso sa kolehiyo.

    Sino ang puwedeng mag-apply?

    Lahat ng aktibong miyembro ng GSIS, na may ganitong kwalipikasyon:

    • May salary grade (SG) na 24 pababa, o di kaya ang katumbas nitong job level.
    • Kumpleto sa premium payments at walang underpaid loan, o hindi kumpleto sa napagkasunduang bayaran ng utang. Wala rin dapat unpaid loan amortization, o hinuhulugan, na higit sa tatlong (3) buwan habang isinasagawa ang proseso ng evaluation at verification para sa subsidy.
    • May anak o dependent na naga-aral sa kahit anong year level basta kumukuha ng 4-year o 5-year course sa alinmang state universities and colleges (SUC); local universities and colleges (LUC); o private college/university na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED).

    Maaaring magsumite ng isang (1) nominasyon sa mga ganitong kondisyon:

    1. Para ito sa ang anak o dependent ng aktibong miyembro, kabilang ang anak ng solo parent-member alinsunod sa The Solo Parents’ Welfare Act.

    2. Ang anak o dependent ay college student na kumukuha ng 4-year o di kaya 5-year course sa alinmang SUC, LUC, at private college/university na rehistrado sa CHED.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tandaan:

    • Kapag natanggap ang estudyante sa subsidy program, kailangan niyang mag-enroll ng full load sa bawat term o semester alinsunod sa curiculum ng kinukuhang kurso. Hindi dapat maantala ang enrolment, puwera na lang kung may rason. Kabilang dito ang pagkakasakit, pagkakaroon ng pinsala sa katawan, paglilipat ng tirahan, o di kaya pagkakalagay sa panganib. Pero kailangan pa ring maapubahan ng GSIS ang ihahain na dahilan.
    • Maaaring mag-enrol sa summer/midterm class, pero hindi na ito sakop ng subsidy.

    3. Ang estudyante ay kailangang may general weighted average na hindi bababa sa 80%  at walang bagsak na grado o di kaya incomplete na marka sa anumang subject. 

    4. Ang estudyante ay hindi tumatanggap ng tulong sa iba pang educational o financial assistance program habang nasa ilalim na ng GSIS Scholarship Program (GSP).

    Tandaan:

    Para sa GSIS member na aplikante sa GSP na kasapi ng grupong sektoral, kailangang magsubmite ng karagdagang requirements:

    1. Endorso mula sa pinuno ng ahensya o opisina ng grupong sektoral na nagpapatunay na isa kang kasapi

    2. Orihinal o di kaya certified true copy na government-issued authentication.

    Mga halimbawa:

    • PWD ID mula sa local social welfare development office (LSWDO) o di kaya sa National Council on Disability Affairs
    • Certificate of Confirmation of Tribal Membership mula sa National Commission on Indigenous Peoples
    • SP ID mula sa LSWDO

    Paano mag-apply?

    1. Kumuha at sagutan ang online application form. I-download ito at i-print.

    2. Ihanda ang mga ganitong dokumento:

    • Birth certificate ng anak o dependent mula sa Philippine Statistics Authority (PSA). Puwedeng original o di kaya certified true copy.
    • Certificate mula sa eskuwelahan kung saan naka-enrol ang anak o dependent sa kasalukuyang academic year. Nakalahad sa certificate ang kurso, kung gaano kahaba ang kurso, at antas (year level) ng estudyante.
    • Report card o di kaya school certification nagsasabing ang weighted average ng estudyante ay 80% pataas. Nagkasaad din dapat na walang bagsak na grado o di kaya incomplete na marka sa katatapos lang na semester o term.
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    3. Isumite ang printout ng sinagutang application form sa pinakamalapit na GSIS office o di kaya sa email address na gesp@gsis.gov.ph.

    4. Ilalathala ang listahan ng mga kuwalipikadong estudyante sa GSIS website at social media accounts. Sasabihan din ang GSIS member na nagsumite ng application.

    5. Bibigyan ang GSIS member at kanyang kuwalipikadong anak o dependent ng 60 days simula sa paglathala ng listahan para isumite ang ilan pang requirements. Isusumite ang mga ito sa pinakamalapit na GSIS office.

    Para sa mga bagong pasok na estudyante sa subsidy program (new student grantee):

    • Pirmado at notaryong agreement form
    • Information sheet kalakip ang 2×2 I.D. picture (2 piraso)
    • Land Bank of the Philippines (LBP) account number

    Para sa dati nang tumanggap ng subsidy (old grantees):

    • Certified true copy ng lahat ng grado ng katatapos lang na semester o term
    • Certificate of Registration ng kasalukuyang semester o term

    Tandaan:

    Kapag hindi naisumete ang requirements sa loob ng itinakdang panahon, maaaring mabale-wala ang subsidy.

    Read also: How Can Parents Be More Involved In Their Kids Education?

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles