embed embed2
  • Hanga Si Jaclyn Jose Sa Anak Na Si Andi Eigenmann: ‘Napakatapang Mo, Sana Ako Din’

    Si Andi ang panganay sa dalawang anak ni Jaclyn.
    by Jocelyn Valle .
  • Nagpahayag ng paghanga si Jaclyn Jose para sa kanyang anak na si Andi Eigenmann, na pinili ang simpleng buhay-pamilya para matutukan ang paga-alaga sa sariling mga anak.

    “Napakatapang mo, sana ako din,” sabi ni Jaclyn sa kanyang Instagram post nitong March 22, 2021. Kalakip dito ang lumang litrato nilang mag-ina, kung saan karga-karga ni Jaclyn ang baby niyang si Andi.

    Tulad ni Jaclyn, na isang award-winning actress, pinasok din ni Andi ang paga-artista at nagbida sa mga pelikula at teleserye. Pero simula 2018, nagpasya siyang manirahan sa Siargao Island, kung saan niya nakilala ang fiancé niya na ngayong si Philmar Alipayo.

    Ipinanganak ni Andi ang panganay nila ni Philmar na si Lilo Alipayo noong 2019, at January 2021 naman ang ikalawa nilang anak na si Koa Alipayo. Kabilang din sa kanilang pamilya ang panganay ni Andi na si Ellie Eigenmann, 9 years old, na ang tatay ay si Jake Ejercito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Ang ganda ng pagpapalaki mo sa mga bata,” dagdag pang papuri ni Jaclyn kay Andi. “Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Anak, mahal na mahal kita, at support ko lahat ng ginagawa mo. Ingat lagi.”

     

    Magkasama sina Jaclyn at Andi sa 2016 Cannes International Film Festival bilang costars sa Philippine entry na Ma'Rosa. Si Jaclyn ang nanalong Best Actress.
    PHOTO BY Instagram/Jaclyn Jose

    Sinang-ayunan si Jaclyn ng kanyang Instagram followers at umani din ng papuri para sa solong pagpapalaki kay Andi. Maaga kasi silang nagkahiwalay ng tatay ni Andi na si Mark Gil (Ralph Eigenmann ang totoong pangalan). Pumanaw naman si Mark noong 2014.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles