embed embed2
  • Ipinapasa-Diyos ni Heart Evangelista, 35, ang pagkakaroon niya ng sariling anak. Si Heart ay kasal kay Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, 50. Bilang stepmother, malapit siya sa 12-year-old twins na sina Quino at Chesi, ang kambal ay mga anak ni Chiz sa dating asawang si Christine Flores

    Tatlong taon nang kasal si Heart kay Chiz nang magbuntis siya ng kambal noong May 2018. Gayunman, dumanas ng magkasunod na miscarriage si Heart.

    What other parents are reading

    Sa Q&A session sa Instagram ni Heart noong nakaraang linggo, July 26, isang follower niya ang nagtanong kung may plano siyang magkaanak. Sa reply ng actress-visual artist, sinabi niyang hindi sa kanya kundi sa Diyos nakasalalay ang pagkakaroon ng anak.

    Nagtitiwala raw si Heart sa anumang plano ng Diyos para sa kanya, at masaya raw niyang tatanggapin anuman iyon. Sagot ni Heart sa kanyang Instagram follower (published as is): “More of… what is Gods plan for me? I trust him and I will still be happy no matter what [heart emoji]”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    PHOTO BY Instagram/Heart Evangelista
    What other parents are reading

    Pregnancy is a sensitive topic

    Sa nakalipas na mga buwan, dalawang beses napagkamalang buntis uli si Heart. Una ay noong November 2019, nang mag-post si Heart ng litrato kung saan kandong siya ni Chiz habang sapo nito ang kanyang puson. Pinabulaanan ni Heart ang mga espekulasyon.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Pagsapit ng May, sa Twitter naman kumalat ang suspetsang buntis daw si Heart. Muli, itinanggi ito ng aktres.

    Sa tweet ni Heart, nagpasalamat siya sa lahat ng bumabati, pero “fake news” daw ang sinasabing pagbubuntis niya. Sa parehong tweet din binigyang-diin ni Heart na “sensitive topic” para sa kanya ang pagbubuntis.

    Heart is grateful and happy

    Samantala, isa pang fan ang nagtanong kay Heart kung masaya at kuntento ba siya sa buhay.
    Reply ni Heart, nagpapasalamat siya sa lahat ng biyayang mayroon siya, at ito ang dahilan kaya masasabi niyang masaya siya.

    “I am grateful and because of that I am happy [heart emoji]…” Paliwanag ni Heart, “life is far from perfect and we all have problems… you just need to see the little blessings in your life and that should be enough [heart emoji].”

    PHOTO BY Instagram/Heart Evangelista
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa interview kay Heart ng GMA-7 magazine show na Kapuso Mo Jessica Soho noong May, inamin niyang dumanas siya ng “slight depression” nang mawala ang kanyang kambal. Nung mga sumunod na buwan, paunti-unti ay bumuti ang kanyang pakiramdam.

    Pero noong November 2019, bumalik daw ang depression ni Heart, at dumating sa puntong nagkaroon na ito ng epekto sa kanyang pisikal na kalusugan. Pinalala rin ng pressure at negativity sa social media ang kanyang anxiety, ayon sa aktres.

    What other parents are reading

    Sa tulong ng mental health professionals, muling bumuti ang kalagayan ni Heart. Ayon sa kanya, tinutukan niya ang pagpipinta at dinalasan ang meditation upang magtuluy-tuloy ang kanyang recovery.

    Nakatulong din daw kay Heart ang “pause” na nangyari nang ipatupad ang enhanced community quarantine, na dulot ng COVID-19 pandemic.

    This story originally appeared on Pep.com.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close