embed embed2
  • Holiday Pay Ngayong Abril Maaring Hindi Muna Ibigay Ng Mga Kumpanya, Ayon Sa DOLE

    Nasa mga kumpanya ang desisyon kung ibibigay na ito o hindi muna
    by Lei Dimarucut-Sison .
Holiday Pay Ngayong Abril Maaring Hindi Muna Ibigay Ng Mga Kumpanya, Ayon Sa DOLE
PHOTO BY @01Neptune01/iStock
  • Maaring ipagpaliban muna ng mga kumpanya ang pagbibigay ng holiday pay sa kanilang mga empleyado para sa mga pista opisyal ngayong buwan, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

    Ang April 9 ay isang double holiday dahil bukod sa Huwebes Santo ay ginugunita din sa araw na ito ang Araw ng Kagitingan.

    Ang April 10, Biyernes Santo, ay regular holiday, samantalang special non-working day naman ang April 11, Sabado de Gloria.

    Ayon sa Labor Advisory No. 13-A ng DOLE, "On account of the existence of a national emergency as aforementioned, employers are allowed to defer payment of holiday pay on April 9, 10, and 11, 2020, as may be applicable, pursuant to Labor Advisory No. 13, Series of 2020 until such time that the present emergency situation has been abated and the normal operations of the establishment is in place."

    Maraming kumpanya ang kinailangang itigil muna ang kanilang operasyon dahil sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa Luzon kaugnay ng COVID-19 crisis. Ito ay na-extend pa hanggang April 30, 2020, at gaya ng inaasahan, naapektuhan ang mga negosyo. 

    What other parents are reading

    Sa Labor Advisory No. 13 na pirmado ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, naka-detalye ang pagbabayad ng holiday pay. 

    Para sa April 9 double holiday, dapat makatanggap ang empleyado ng katumbas ng 200% ng kanyang daily wage. Ito raw ay kung ang empleyado ay "present or on leave with pay on the workday prior to the start of the enhanced community quarantine on 17 March 2020."

    Kung papasok o magtatrabaho ang empleyado sa April 9, makakatanggap naman siya ng 300% ng kanyang sahod sa araw na iyon para sa walong oras ng trabaho.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May karagdagan ding bayad katumbas ng 30% ng kanyang hourly rate kung siya ay mag-overtime sa araw na ito. May panibagong 30% pang makukuha ang empleyado kung mataon ang April 9 sa kanyang rest day at siya ay magtrabaho.

    Buong sahod naman ang makukuha ng isang empleyado sa April 10 na regular holiday, basta matupad ang requirement kagaya ng sa itaas.

    Kung magtatrabaho ang empleyado sa April 10, 200% naman ng kanyang sahod para sa araw na iyon ang makukuha niya, at may karagdagan pang 30% ng kanyang hourly rate kung siya ay mag-o-overtime. 

    Dahil special non-working day ang April 11, ang "no-work, no pay" principle ang ipatutupad, pwera kung may iba pang company policy na nagsasabi ng taliwas. 

    Ang pagbibigay o pagpapaliban ng pagbayad ng holiday pay ay depende sa mga employer, ayon sa DOLE. 

    Gayundin, sinabi sa kanilang Advisory, "Establishments that have totally closed or ceased operation during the enhanced community quarantine period are exempted from the payment of the holiday pay under Labor Advisory No. 13, Series of 2020."

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close