embed embed2
  • Ivermectin, Sagot Nga Ba Laban Sa COVID-19? Ang Mga Dapat Malaman

    May babala ang DOH at FDA tungkol sa Ivermectin.
    by Jocelyn Valle .
Ivermectin, Sagot Nga Ba Laban Sa COVID-19? Ang Mga Dapat Malaman
PHOTO BY Shutterstock
  • Sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa maraming bansa, tulad ng Pilipinas, may mga nakakaisip ng ibang paraan para makontrol ang pandemya. Kabilang diyan ang Ivermectin, na isang anti-parasitic drug na karaniwang ginagamit para sa mga hayop.

    Pero naglabas na ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH) laban sa Ivermectin bilang gamot sa nakakahawang sakit mula sa coronavirus. Anila, lumabas sa studies ng The Philippine COVID-19 CPG Reviewers na hindi nakakatulong ang Ivermectin sa mga pasyente mula mild hanggang severe cases.

    Narito ang mga dapat malaman tungkol sa Ivermectin mula sa ulat ng reportr:

    Ano ang Ivermectin?

    Bilang anti-parasitic drug, ginagamit ang Ivermectin bilang pangontra sa mga bulate na siyang sanhi ng river blindness (onchocerciasis), helminthiases, at scabies, ayon sa U.S. National Institutes of Health (NIH). Sinusubukan din ang bisa nito laban sa mga lamok na nagdudulot ng sakit na malaria.

    Pero hanggang diyan na lang muna laban sa parasites, sabi ng NIH. Wala pa raw kasing pruweba na uubra rin ang Ivermectin kontra viruses, tulad ng sa COVID-19.

    Ligtas bang gamitin ang Ivermectin ng tao?

    Ginagamit ang Ivermectin na anti-parasitic drug para sa hayop at pati na rin sa tao. Aprubado ito ng U.S. FDA para masugpo ang mga bulate na sanhi ng river blindness at head lice.

    Para sa mga hayop, ginagamit ang Ivermectin para magamot ang heartworm disease at iba pang sakit sanhi ng external at internal parasites.

    Kung tao ang gagamutin, iniinom ang Ivermectin kasabay ng isang basong tubig at dapat may laman na ang tiyan. Depende ang dosage sa timbang ng pasyente, kanyang medical condition, at reaction sa treatment.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aprubado ba ang Ivermectin bilang gamot sa COVID-19?

    Hindi pinapayagan ng FDA ang paggamit ng Ivermectin para sa mga pasyente ng COVID-19. Pinapaalalahan ng ahensya ang publiko na huwag bilhin at gamitin ang Ivermectin veterinary products para sa ganitong dahilan.

    Aprubado lamang ng FDA ang Ivermectin para sa taong may problema sa kuto (head lice) at iba pang parasites. Nangangailangan din ito ng reseta mula sa doktor.

    Lahad pa ng FDA, "The drug is an important part of a parasite control program for some animal species and should only be administered according to its approved indication, or as prescribed by a duly licensed veterinarian."

    Bakit may paniniwalang nakakagamot ang Ivermectin sa COVID-19?

    Ayon sa U.S. NIH, may mga ulat na nagsasabing napipigilan ng Ivermectin ang SARS-CoV-2 virus, na nagdudulot ng COVID-19, na atakihin ang healthy cells at tuluyang maiwasan ang infection.

    Suhestiyon naman ng ibang studies na may dulot ang Ivermectin na ginhawang anti-inflammatory para sa mga pasyente ng COVID-19. 

    Pero diin ng NIH, wala pang napapatunayan sa clinical trials. Anila, "Taking a drug for an unapproved use can be very dangerous. This is true of Ivermectin, too,"

    Sino ang mga nagsusulong ng ideyang nakakagamot ang Ivermectin laban sa COVID-19?

    Sa Pilipinas, nagpahayag si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na magbibigay siya ng libreng Ivermectin para sa mga indigents sa Quezon City. Isang healthcare advocate group ang Anakalusugan.

    Sa Brazil naman, may pahayag ang presidente doon sa pamamagitan ng tweet nitong January 2021. Aniya, posible raw na may kinalaman ang Ivermectin sa pagbaba ng COVID-19 death cases sa Africa.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Bago iyan, nag-anunsiyo ang gobyerno ng Bolivia na otorisado nila ang paggamit ng Ivermectin para gamutin ang mga pasyente ng COVID-19. Kahit na raw wala pa talagang "scientific evidence of a drug treatment for COVID-19."

    Panoorin ang video na ito kung saan nagbigay ng karagdagang eksplenasyon si Dr. Anna Ong-Lim, Chief of Infectious And Tropical Disease In Pediatrics ng University of the Philippines - Philippine General Hospital, kung bakit hindi kailanman dapat gamitin ang ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles