embed embed2
  • Hiling Ni Janella Salvador Na Lumaki Ang Anak Na Di Tulad Niyang 'Secretive' Sa Ina

    Ngayong nanay na rin siya, mas na-appreciate raw ni Janella ang kaniyang Mommy Jenine Desiderio.
    by Angela Baylon . Published Feb 6, 2022
Hiling Ni Janella Salvador Na Lumaki Ang Anak Na Di Tulad Niyang 'Secretive' Sa Ina
PHOTO BY instagram/superjanella
  • Hindi lang pagbabago sa pangangatawan ang nararanasan ng mga nanay. Malaki rin ang pagbabago sa pananaw sa buhay na kanilang hinaharap. Relate dito ang aktres na si Janella Salvador.

    Bagama't aminado ang aktres na hindi nila pinlano ng partner na si Markus Paterson na magka-anak, wala raw siyang ibang naramdaman kung hindi kasiyahan nang malamang buntis siya sa kaniyang baby boy na si Jude.

    "Kasi kahit hindi siya planned, ever since pangarap ko talagang maging mom," pagbabahagi ng aktres sa Youtube vlog ni Ogie Diaz.

    Dagdag ni Janella si Jude ang kaniyang "strength" at "motivation" ngayong. At dahil focus muna nila ang pag-aalaga kay Jude, sinabi ni Janella na wala pa silang plano ni Markus sa ngayon na magpakasal.

    Dagdag ni Janella tungkol sa relasyon kay Markus, "We're still learning new things about each other and how we are as parents. So, hindi pa namin iniisip 'yung pakasal na tayo. Hindi pa."

    Paano nabago ng motherhood si Janella

    Bilang isang nanay, natutunan raw ni Janella kung paano maging mas pasensyosa. "Dati kasi iisipin ko lang 'yung nararamdaman ko, eh. Pero ngayon, I can see the bigger picture."

    Mas naging hands-on din daw siya sa mga gawaing bahay. "Nakakatawa 'yung difference. Dati kasi sobrang tamad ko sa bahay...

    "Pero ngayon, parang nu'ng nagka-anak ako parang gusto ko maayos lahat. Naging O.C. ako. I organize every drawer in the house."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahil mas tutok na si Janella sa mga gawaing bahay, natutuwa siya na naasahan niya si Markus sa pag-aalaga kay Jude. Pero may isang bagay raw na hirap gawin si Markus.

    "Hindi niya kayang magpalit ng diaper. Nasusuka talaga siya," natutuwang kuwento ni Janella.

    Gusto ni Janella na maging open sa kaniya ang anak paglaki

    Kung may isang bagay na gusto si Janella pagdating sa pagpapalaki sa anak, ito ay ang masiguro na hindi matatakot si Jude na magsabi magkuwento sa kaniya.

    Base kasi sa sariling karanasan, aminado ang aktres na naging 'secretive' siya sa inang si Jenine Desiderio. "Lumaki akong secretive. Hindi sinadya ng mom ko na sobrang strict.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    "Pero ayun, lumaki akong secretive eh. Kasi nga, I was scared to open up to her. Gusto ko si Jude when he grows up maging open siya sa akin," pagbabahagi ni Janella.
    Para magawa ito, aniya, "I'll try to be as understanding as possible at the same time may boundaries pa rin."

    Paliwanag ni Janella, hindi siya madalas na magkuwento noon sa ina dahil, "takot ako sa reaction niya, lagi. Kasi intensense 'yung mom ko. She knows naman, para siyang dragon." 

    Hindi naman na raw sila ganito ni mommy Jenine ngayon at dagdag pa ni Janella, mas na-appreciate na niya ang ina ngayong nanay na rin siya. 

    "Mas na-appreciate ko siya. Mas na-appreciate ko 'yung mga paghihirap niya kasi lalo na... majority of my life she raised me on her own," ani Janella.

    Ano ang pinakamahirap na parte ng pagiging ina

    1 year old na si Jude noong October 2021, at ayon kay Janella ang pinakamahirap daw na bahagi ng pagiging isang ina ay ang mismong responsibilidad na kaakibat nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Ngayon siguro for me ha, this is for me. The hardest part would be ino-overthink ko kung paano ko siya [Jude] mapapalaki nang maayos. 'Yung resopnsibility na 'yun, feeling ko that's the hardest part until he grows up."

    May sagot din si Janella sa mga hindi magandang komentong tingin ay "nasayang" siya dahil nagkaroon siya ng anak sa edad na 22. Aniya, "Alam mo kasi, Tito Ogie, 'yung may stigma kapag naging nanay ka dito sa Philippines na ka-age ko... ang daming criticisms na ibinabato ang may stigma.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "What I realized is being a young mom doesn't mean that my life is over. It just means na it started a bit earlier. That's it.

    "I've never felt more alive. Parang ngayon nagsisimula 'yung buhay ko ngayong kasama ko na si Jude."

    Ano nga ba ang maaaring gawin kung napapansing lumalayo ang loob ng anak sa magulang? Basahin dito.

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close