embed embed2
  • Hawig Ba? Anak Ni Janella Salvador Na-Meet Na Ang Lolo Juan Miguel Niya

    “Toto” kung tawagin si Juan Miguel ng kanyang apo.
    by Jocelyn Valle .
  • Personal nang naipakilala ni Janella Salvador ang panganay nila ni Markus Paterson na si Jude sa tatay niyang si Juan Miguel Salvador

    Ang litrato ng mag-lolo ay posted nitong March 1, 2021, sa Instagram account ng bata na ginawa ng kanyang mga magulang. Base sa caption, “Toto” kung tawagin si Juan Miguel ng kanyang apo.

    Sabi pa ng handle name na Jude Trevor Paterson, “Finally met my Toto the other day. Do we look alike?”

    Nanganak si Janella noong October 20, 2020 sa London, England, kung saan nakabase ang pamilya ni Markus. Kasama ng actress-singer ang kanyang mommy na si Janine Desiderio.  

    Ayon sa kani-kanilang Instagram account, lumipad sina Janella at Markus, dala si Baby Jude, paalis ng London ng February 11, 2021. 

    Pamilya Salvador

    Miyembro si Juan Miguel ng kilalang showbiz clan na Salvador, mula sa 1950s movie legend na si Lou Salvador hanggang sa current generation nila Maja Salvador

    Pumasok din ng showbiz si Juan Miguel bilang singer. Kasabayan niya sina Gary Valenciano at Randy Santiago. Classmates sila sa La Salle Greenhills at kabilang sa school musical group na Kundirana.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nahanap ni Juan Miguel ang sariling puwang niya sa entertainment industry nang itatag niya ang Rage Band, na isa sa pinakasikat na banda noong 1980s. Kalaunan, na-disband ito at nagtayo siya ng bagong banda na tinawag niyang Authority. Isa rin siyang songwriter at musical director. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bandang 2018, napabalita ang reunion nila Juan Miguel at Janella, na lumaki sa kanyang Mommy Janine, na isa ring singer-actress. Simula noon, naging matatag na ang relasyon ng mag-ama. 

    Nagshe-share si Janella ng litrato kasama ang kanyang daddy sa Instagram. Narito ang isang old photo nila.

    May hawig ba si Baby Jude sa kanyang "Toto" Juan Miguel?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles