embed embed2
  • Jean Garcia Shares Quote About Saying Goodbye, Netizens Think It's For Daughter Jennica

    Is she alluding to someone in her "it's time to say goodbye" post?
    by Arniel C. Serato for Pep.ph .
  • May pinatatamaan ba ang aktres na si Jean Garcia sa kanyang cryptic Instagram post noong Sabado, June 12?

    Isa itong quote tungkol sa pagmamahal nang buong puso. Pero kapag ang minamahal mo ay hindi magiging mabuting tao para sa iyo, makabubuting magpaalam na lamang.

    Buong mensahe sa photo post ni Jean, “YOU CAN LOVE SOMEONE WITH ALL YOUR HEART, BUT IF THEY’RE NOT GOING TO BE A GOOD PERSON FOR YOU, IN YOUR LIFE, THEN IT’S TIME TO JUST SAY GOODBYE.”

    Sa caption, mababasa ang mga letrang “x” at “jg” na maaaring tumutukoy sa initials nila ng anak na si Jennica Garcia.

    Sabi pa ni Jean, “Just saying…[heart, sunflower emojis] x, jg”

    Sa comments section, ilang netizens ang nagbanggit sa pangalan ni Alwyn Uytingco, ang estranged husband ni Jennica.

    Pero hindi sumagot si Jean sa mga nag-comment sa kanyang post.

    Ang quote na ito ni Jean ay nai-post ilang oras matapos ihayag ni Alwyn ang kanyang pagmamahal kay Jennica.

    Sabi ng aktor sa kanyang post, “Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Jennica, Alwyn breakup

    Sa panayam ng GMANetwork.com kay Jennica noong May 20, 2021, inamin niyang hiwalay na nga sila ni Alwyn.

    Deklarasyon niya sa kasalukuyang sitwasyon nila ng asawa: "From a family-of-four, we are now just a family-of-three, sacrifices must really be made."

    Pero kaagad niyang nilinaw sa Instagram post noong araw ring iyon na hindi pinansiyal ang dahilan ng kanilang breakup.

    Diin niya: “FINANCIAL PROBLEM is NOT the reason.

    "Going back and pursuing my career as an actress is simply the wise thing for me to do in this season in my life.

    “Our savings was never an issue. If you see an article with me putting Alwyn in a bad light, please make sure it was published by a reputable source before you believe.

    “I will NEVER say anything bad about the father of my children.”

    Ikinasal sina Jennica at Alwyn noong February 2014.

    Mayroon silang dalawang anak: sina Mori, 6, at Alessi, 3.

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles