embed embed2
  • Jenine Desiderio Na-Surprise Kay Baby Jude: ‘One Pleasant Surprise We Don’t Mind Having’

    Alam ni Jenine at dating asawa na si Juan Miguel Salvador ang pagbubuntis ni Janella.
    by Rachelle Siazon for Pep.ph .
  • Inilihim man ni Janella Salvador sa publiko ang kanyang pagbubuntis noon, buo ang suportang natanggap niya sa kanyang pamilya at malalapit na mga kaibigan.

    September 18, 2020 nang inulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kumpirmadong buntis si Janella sa anak nila ng nobyong si Markus Paterson. Nakasaad din sa report na napag-alaman ng PEP source na Oktubre ang expected delivery date ni Janella.

    Usap-usapan na noon ang paglipad ni Janella patungong Wiltshire, England, ang hometown ng British father ni Markus. Anim na araw bago iyon, o noong September 12, 2020, kakaamin pa lang nina Janella at Markus na sila ay magkasintahan.

    By that time ay isang taon at walong buwan na ang kanilang relasyon. Hanggang sa nitong January 5, 2021, kinumpirma nina Janella at Markus na noong October 20, 2020 ay ipinanganak ng aktres ang kanilang baby boy na si Jude Trevor Paterson.

    Sa loob ng halos 30-minute video, nagbigay ng mensahe ang piling mga taong sinabihan nila tungkol sa kanilang nabuong pamilya. Inilabas iyon nina Janella at Markus sa kanilang joint YouTube vlog na may pangalangang M & J.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Jenine Desiderio and son Russel

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio at bunsong kapatid na si Russel ay nasubaybayan daw ang pagbubuntis at panganganak ng aktres. Lumipad sina Jenine at Russel patungong England noon pang Oktubre, at naroon pa rin ngayon kasama nina Janella at Markus.

    Masayang sabi ni Jenine tungkol sa kanyang apo: "You surely made the daily COVID-restricted lives of the people around you a lot better by your mere presence. And now, it's time to share that joy with the rest of the world.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Russel and I are very lucky to be one of the first to hold you, to hug you, and to witness your transformation from being a fetus to the adorable interactive infant that you are now. You even came to me in a dream even before you were born."

    Hindi man daw inaasahan ang pagkakaroon ng anak ni Janella, wala raw kuwestiyon sa pagtanggap at pagmamahal niya para sa apo. "I know you came to us as a surprise. But you are one pleasant suprise that we don't mind having. We love you very much."

    “Lala” ang nais ni Jenine na itawag sa kanya ng apo.

    Juan Miguel Salvador

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Excited na rin ang ama ni Janella na si Juan Miguel Salvador na makita ang apong si Baby Jude pag naiuwi ito sa Pilipinas. Toto ang nickname ni Juan Miguel.

    Sabi niya, "Hey, Jude. It's me, Toto. Welcome to the world little one. I can't wait to see you. When things normalize, tell your mom and dad to bring you home right away so I can hold you, so I can love you, and smother you with kisses.

    "See you soon. I love you baby."

    Erich Gonzales

    Ang close friend ni Janella na si Erich Gonzales ay isa naman sa mga magiging ninang ni Baby Jude. Mensahe ni Erich para sa inaanak: "Finally! I cannot wait to see you, hug you, squeeze you and bite your chubby cheeks! Please don't grow up too fast.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Your Ninang Erich will always be here for you, praying for you. I cannot wait to see you na. Come home na!"

    Maja Salvador

    Kabilang din si Maja Salvador sa mga unang nakaalam tungkol sa pagbubuntis noon ni Janella. Maituturing na tiyahin ni Janella si Maja. Naging malapit sila sa isa't isa nang magtrabaho sa defunct Kapamilya primetime series na The Killer Bride, na umere mula August 2019 hanggang January 2020.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noong patapos na ang teleserye posibleng nabuntis si Janella, at tila naging confidante ni Janella si Maja. Mensahe ni Maja: "I love you, Baby Jude. Hindi pa kita nakikita sa personal, pero mahal na kita agad.

    "Kasi grabe yung ginawa mo sa amin ng mommy mo. Isa kang malaking blessing. Akala ko after teleserye namin ng mommy mo, hanggang dun na lang relationship namin, but no. Mas naging strong yung relationship namin ng mommy mo.

    "Ang dami naming bonding after ng teleserye namin. Tapos biglang dumating ka sa buhay namin."

    Sana raw ay makauwi na sa Pilipinas sina Janella at Markus kasama si Baby Jude. "Excited ako na umuwi ka para maiparamdam ko sa iyo kung gaano kita kamahal. Kung gaano ko pinoprotektahan ang iyong mommy, triple pa iyong gagawin ko sa iyo."

    Sinabi rin ni Maja na hanga siya sa katatagan ng loob ni Janella. Tinawag niya si Janella na Emma, na pangalan nito sa The Killer Bride.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "My Emma and Marcus, congratulations. To my Emma, I'm so proud of you. Alam kong di madali ang lahat. Alam kong di magye-yes sa lahat, but eto ka, nagawa mo na ito, dahil in-embrace mo, tinanggap mo si Baby Jude agad-agad sa buhay mo. I love you so much."

    Kyle Echarri

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang close friend naman ni Markus na si Kyle Echarri ay nagsabing isa siya sa magiging ninong ni Baby Jude. Bahagi ng mensahe ni Kyle para sa baby nina Janella at Marcus: "I just want you to know that uncle loves you so much. I'm so excited to introduce you to the world.

    "Just know that your parents love you so much ever since they heard about you. Especially your dad. I've never seen him more excited for anything in this world. We are all gonna be here for you."

    Patrick Sugui and Aeriel Garcia

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pati ang engaged couple na sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia ay kasama sa vlog nina Janella at Markus. Pahayag nila: "We just wanna say that we can't wait to see you and play with you. We can't wait to watch you grow up. I'm sure you’re gonna grow up to be a fine young man.

    "I'm sure your mom and dad are gonna take good care of you. See you soon!"

    About Janella and Markus

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Janella, 22, ay homegrown talent ng ABS-CBN at nagsimulang sumikat sa daytime teleseryeng Be Careful With My Heart (2012-2014). Huli siyang napanood sa teleseryeng The Killer Bride (2019-2020). Anak siya ni Jenine Desiderio sa musician na si Juan Miguel Salvador.

    Si Markus, 22, ay ipinanganak at lumaki sa United Kingdom. Ang kanyang amang si Trevor Paterson ay dating British Air Force pilot, habang ang kanyang ina na si Norma ay isang Filipino na tubong Pangasinan.

    Sumabak sa showbiz si Markus matapos niyang sumali sa defunct ABS-CBN reality singing competition na Pinoy Boyband Superstar noong 2016.

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    See Baby Jude's first photos here!

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles