embed embed2
  • Jennica Garcia Dismisses Rumors That She's Back Together With Alwyn Uytingco

    "We are thriving to co-parent healthily for our children."
    by Arniel C. Serato for Pep.ph .
Jennica Garcia Dismisses Rumors That She's Back Together With Alwyn Uytingco
PHOTO BY Instagram/Jennica Garcia, Instagram/Alwyn Uytingco
  • Hindi ikinatuwa ni Jennica Garcia ang ilang komento sa kanyang Instagram posts kung saan may mga nagsabing nagkabalikan na sila ni Alwyn Uytingco matapos silang magkitang magkasama kamakailan.

    Ayon pa sa mga nagkomento, tila itinatago lang daw ng estranged couple ang kanilang pagbabalikan.

    Sa kanyang Instagram kagabi, July 20, tatlong magkakasunod na mahahabang posts ang ibinahagi ni Jennica.

    Para raw ito sa netizens na “chismosa.”

    Sabi ni Jennica sa una niyang post, maaari naman niyang burahin ang mga nasabing komento pero pinili niyang sagutin ito para maliwanagan ang lahat.

    Hindi raw kasi maaaring hindi sila magkitang magkasama ni Alwyn dahil sa mga anak nilang sina Mori at Alessi.

    Saad ni Jennica, “Para sa MARITES na may pa- Don't Us, Don't Us sa akin.

    “I can opt to just delete the comment and block this chismosa na feeling mas maalam pa sa nangyayari sakin sa personal kong buhay but I will just answer para tapos na dahil hindi naman ito ang magiging last time that this could happen at sa susunod di ko na kailangan sumagot pa ulit.

    “My trip to Tanay won't be the only instance where people would see the father of my children and I in one place.

    “I won't even be surprised to see pictures of us in Tanay on the internet once I post this because when we were there, there were people who asked me for a photo and then there were those who came up to Alwyn as well for pictures.”

    Hindi raw porke't nakita silang magkasama ng kanyang estranged husband ay nagkabalikan na sila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pasaring ng aktres, “For the one who left a comment that they saw Alwyn with us in Tanay. O TAPOS?

    “Why did it come as a surprise that my children's father and I are together in a particular place with our children? Does that mean just because we are together then we are romantically linked?

    “Hindi ba pwedeng we are thriving to coparent healthily for our children especially since I am also with my parents family at sadyang assuming ka?

    “It was NOT an Uytingco Family trip. Dapat ba pag hiwalay sa asawa not in good terms?

    “Hindi kami boyfriend and girlfriend na dahil hiwalay, cut all ties. We have children to think of hindi pwedeng sariling kapakanan lang iniisip.”

    Noong kaarawan ni Mori, na idinaos sa bahay ng ama ni Jennica na si Jigo Garcia, magkasama rin daw sila ni Alwyn at ng mga bata.

    Lahad ni Jennica, “By the way, my children's father is also with us during Mori's Birthday. Ngayon mo lang nalaman diba? May friend ka sa area? Wala diba, kasi di naman invited ‘friend’ mo sa bahay ng Papa Jigo ko.

    “Di rin ako nag upload ng picture with my children's father kahit andun siya. Kasi bakit? Kailangan ba? Para saan? Para SAYO? Para updated ka ganon?

    “So obligasyon ko na pag kasama ko tatay ng mga anak ko papaliwanag ako sa mga tao? Adjust na ako para sa mga anak ko tapos adjust din ako para sayo ganon? Special ka."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "He is allowed to be with my children"

    Sabi pa ni Jennica, noong nag-birthday ang kanilang bunso na si Alessi, si Alwyn ang kasama nito dahil nasa work siya.

    Pinapayagan din niya si Alwyn na mabisita at makasama ang kanilang mga anak sa lahat ng panahon. Hindi lamang daw maaaring mag-post ng larawan sa social media dahil baka maging tampulan pa ito ng tsismis.

    Ayon sa aktres, “Also, Alwyn is the one who took my kids during Alessi's Birthday naman to my Papa Jigo's house to celebrate because I can't be there for work.

    “He is allowed to be with my children any time he wants and I simply requested (hindi demand) that he do not post about these things on social media to lessen the ‘noise’ and opinions of chismosas like you to which he respectfully agreed to."

    Dagdag pa ni Jennica, “Kung magkabalikan man kami ni Alwyn, manggagaling sa bibig ko hindi manggagaling sa bibig ng kaibigan mo, o sa bibig ng kahit na sino na wala naman alam tungkol sa personal na buhay ko.

    “I hope people won't look at it as a surprise that Alwyn and I are together in one place with our children especially when it wasn't an intimate gathering with just the four of us there since we are excerting all efforts to make the situation less painful for my children than it already is.”

    Inulit ni Jennica na hindi ito ang huling beses na makikita silang magkasama sa iisang lugar.

    Kahit daw magkaroon ng ibang pamilya si Alwyn, hindi niya ipagdadamot ang karapatan nito bilang ama ng kanyang mga anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagsusumikap man daw si Alwyn na maibalik ang dati nilang samahan, kailangan pa raw ng panahon ni Jennica upang magpahilom ng sugat.

    Saad niya, “Alwyn joining our trip to Tanay is not the first and definitely not the last since his presence is welcome in my children's life forever.

    “Magka pamilya man na iba si Alwyn in the future, ano man ang mangyari, hindi ko ipagdadamot ang mga anak ko sa Tatay Alwyn nila.

    “I know that this statement might be difficult to understand para sa mga taong hindi pa pamilyado but this is the reality I now face.

    “While Alwyn is doing his best to restore our family. I need time to heal. I need to keep my relationship to God first and foremost a top priority.

    “I remember saying to those who asked for pictures: ‘Ma'am sana po wag na upload kung pwede lang po mainit na kasi kami sa social media.’

    “Nagpapaliwanag pa ko. Nakakapagod tapos ganito. Ako na nahiyang tumanggi magpa picture, ako pa pagmumukhaing sinungaling.

    “SA TRUE LANG TAYO, yung ASSUMING ka at MALISYOSA ka. Mas marunong ka pa dun sa taong nahiwalay sa asawa.

    “I hope people would understand that the next time I am with my children and their father is around, I would answer, ‘sorry po, I am not at work, hindi po ako comfortable that we take pictures.’”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Auto-block kayo sakin sa susunod"

    Sa huli, sinabi ni Jennica na kahit public figure siya, hindi ito nangangahulugang maaari na siyang bastusin sa comments section ng kanyang posts.

    Pahayag niya, “Public figure ako oo pero hindi naman para bastusin niyo ko sa comments section ng sarili kong page wala naman akong atraso sainyo.

    “Me being silent does not give you the right to make assumptions about my personal life. Purket tatahimik tahimik ako sa mga pasaring niyo inaabuso niyo ko.

    “Alwyn took this photo of me. Hindi mo alam yun diba. So kami na? Si Jennica ka ba? Buti ka pa alam mo na nagkabalikan kami, ako hindi pa.

    “Auto block na kayo sakin sa susunod.

    “My Tanay ‘couple post’ was supposed to be a funny one.

    “Pinagtatawanan ko na lang sa halip na iyakan ko ulit ang pagiging single mom dahil pagod na ako tapos babaliktarin niyo pa.

    “Ayaw niyong pinagchichismisan kayo pero mang chismis ng iba komportable ka. I am no longer allowing your negativity to linger on my pages.

    “Kung sino pang kagaya kong babae siya pang maka ‘Don't Us Don't Us’ sakin.

    “Pag pamilyado ka na, wag sana mangyari sayo nangyari sakin at baka hindi mo kayanin.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Walang post si Alwyn ukol sa trip na ito ng kanyang pamilya.

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles