embed embed2
  • Jennica Garcia Nag-Live Selling Ng Furniture Para 'Fresh Start' Sa Bagong Bahay

    Jennica Garcia wants to start fresh as she moves to a new house with her kids.
Jennica Garcia Nag-Live Selling Ng Furniture Para 'Fresh Start' Sa Bagong Bahay
PHOTO BY Instagram/jennicauytingco
  • Nagsisimula nang magbenta ng furniture at house items si Jennica Garcia.

    Ito ay matapos niyang magdesisyong umalis at lumipat ng bahay kasama ang kanyang mga anak na sina Mori, 4, at Alessi, 3.

    Unang ipinaalam ni Jennica ang plano niyang paglipat sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram post kahapon, May 8, 2021. Ito ay nang ianunsiyo niya ang naganap na live-selling ng mga damit, home items, at furniture sa kanyang Facebook page kahapon.

    Ayon kay Jennica, ayaw na niyang dalhin ang mga gamit na ito sa lilipatan nilang unit para raw sa “fresh start.” Hiniling pa niya na sana raw ay ma-sold out ang mga gamit niya.

    Sabi ni Jennica, “Marami po ito gawa ng ayoko na po sana dalhin pa sa lilipatan namin na unit ng mga bata. Start fresh ika-nga. Hanep! Naka hugowt pa sa morning.

    “Sana sold out po ulit tayo ha? See you!!!”

    Sa comments section naman ay ipinahabol ni Jennica ang mga gamit na ibebenta niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kasama rito ang isang study table na “mahal na mahal ko pero ayoko ang memories na kaakibat niya haha!”

    Ibinebenta rin ni Jennica ang isang rustic pastel blue table na ginamit daw noong wedding niya.

    Paki-usap pa niya sa kanyang followers: “paki bili po”

    Jennica Garcia

    March 2021 nang lumabas ang usap-usapang nagkakalabuan na ang relasyon ni Jennica at ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco. Ito ay matapos na magsimulang gamitin ni Jennica ang kanyang maiden name sa kanyang social media accounts.

    Hindi pa direktang nagsasalita si Jennica tungkol sa kanilang relasyon ni Alwyn, pero sa panayam sa kanya ni Cristy Fermin noong March 30, hindi pa raw niya kayang magkuwento tungkol dito. Si Alwyn naman ay nag-a-upload sa Instagram ng cryptic posts tungkol sa kanyang buhay ngayon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ikinasal sina Jennica at Alwyn noong February 12, 2014 sa isang secret wedding ceremony.

    This story originally appeared on Pep.ph.

    Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    Basahin ang sulat ni Jennica Garcia para sa kanyang dalawang anak dito.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles