;
embed embed2
  • John Lloyd Cruz On Son Elias: 'Malaki Ang Papel Niya Kung Bakit Nandito Pa Ako Ngayon'

    John Lloyd Cruz says fatherhood saved his life.
    by Bernie V. Franco for Pep.ph .
John Lloyd Cruz On Son Elias: 'Malaki Ang Papel Niya Kung Bakit Nandito Pa Ako Ngayon'
PHOTO BY Instagram/Crown Artist Management Inc.; Instagram/Ellen Adarna
  • Malaki raw ang kinalaman ng anak niyang si Elias Modesto, 2, sa pagbabago ng pananaw sa buhay ng aktor na si John Lloyd Cruz, 37.

    Si Elias ay anak ni John Lloyd sa dating live-in partner na si Ellen Adarna.

    Pagbabahagi ng aktor, nagkaroon ng kabuluhan ang kanyang buhay dahil sa anak. Ang anak din daw niya ang nagbibigay-saysay sa kanyang buhay.

    “Anak ko talaga yung ano ko… 'yun ang teacher ko.

    “Malaki ang papel nun sa kung bakit ako ay nandito pa ngayon,” sabi ni John Lloyd.

    PHOTO BY Instagram

    Pagpapatuloy ng dekalibreng aktor, “Malaki ang talagang papel niya kung bakit, di ba, bumabangon ka, nagsusumikap ka.

    “Kaya, naku, talagang malaki ang utang na… utang ko… utang ko ang buhay ko sa anak ko.

    “Kung wala yung anak ko, baka wala na rin ako dito.”

    Inihayag ito ni John Lloyd sa interview sa kanya ni Ceasar Soriano, journalist at film director, sa programa nito sa Radyo Kidlat 98.3 FM noong Sabado, May 16.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    John Lloyd says he is now closer to God

    Napapabalita ngayon ang pagbabalik ni John Lloyd sa showbiz, simula nang mag-indefinite leave siya noong 2017.

    Sa apat na taong pagiging pribado ni John Lloyd, maraming nangyari at pagsubok siyang pinagdaanan.

    Iniwan niya ang kasikatan at namuhay nang simple. Nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama nila ni Ellen.

    Inusisa si John Lloyd tungkol sa mga hamong pinagdaanan na inakala raw niyang hindi niya malalampasan.

    Pakiramdam ba niya ay napalapit siya sa Panginoon?

    “Yun yata yung essence nun. Parang there’s no other way kundi mas mapalapit ka pa,” pagkumpirma ni John Lloyd.

    Sa ngayon, nagpapasalamat ang aktor dahil luminaw raw ang pananaw niya sa buhay.

    “Lagi na lang akong nagpapasalamat sa kung anong meron ka dahil nakikita mo na. Parang luminaw ba, di ba?

    “Wala na yung mga agam-agam mo o paghahangad sa kung ano yung wala ka.

    “Kasi mas sumimple lang naman. Ang laki ng isinimple ng lahat.

    “Simple lang pala siya. Nagpaikot-ikot ka pa. Simple lang pala siya.

    “Ayun, makita mo kung ano yung meron ka, at makita mo yung halaga kung ano yung meron ka,” saad ni John Lloyd.

    Samantala, sa panayam ay kinumpirma rin ni John Lloyd ang pagbabalik-tambalan nila ni Bea Alonzo sa pelikula.

    Kasunod ito ng pagbabalik-showbiz ni John Lloyd, na nasa ilalim na ng Crown Artist Management, ang bagong tatag na talent management company ng kaibigan niyang si Maja Salvador.

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles