Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Jolina Magdangal May Breastfeeding Tribe! Madalas Niyang Kausap Sina Toni, Rochelle, Atbp

    Naging advocacy na rin ni Jolina ang paghikayat sa mga bagong ina na subukan ang breastfeeding.
    by Jocelyn Valle .
  • Kahit noong dalaga pa lamang si Jolina Magdangal ay pinili na niya ang breastfeeding sakaling maging ina na siya. Noong panahon na iyon ay kabilang pa siya sa morning show na Unang Hirit, mula 2005 hanggang 2009, at co-host niya ang mga mommy na sina Suzi Entrata at Lyn Ching.

    “Sila ’yong lagi kong nakikitang gano’n, nagbe-breastfeed,” lahad ni Jolina sa SmartParenting.com.ph nang dumalo ito sa isang product launch noong October 29 sa Quezon City. “Nagpa-pump pa pag commercial break. Talagang na-amaze ako. Hanggang sa nakakarinig na rin ako ng ibang kuwento sa breastfeeding.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya naman nang ikasal ang singer/actress/TV host sa musician na si Mark Escueta noong November 2011 at nabiyayaan sila ng mga supling ay tinupad niya ang kanyang breastfeeding pledge. Ang kanilang panganay na si Pele ay 6 years old sa darating na February 2020 habang ang bunso na si Vika ay 1 ½ years old. Naging advocacy na rin ni Jolina, 41 years old sa November 6, ang paghikayat sa mga bagong ina na subukan ang breastfeeding.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Personal pa siyang nakikipag-ugnayan sa ilan niyang kaibigan at kakilala, tulad nila Rochelle Pangilinan, Dani Barretto, Toni Gonzaga, at Melai Cantiveros, na co-host niya sa current morning show niya na Magandang Buhay.

    “Si Rochelle kasi muntikan siya mag-give up,” kuwento ni Jolina. “Pero no’ng araw na pa-give up na siya, nakausap ko siya tungkol dito. Parang nagulat nga ako na ’yon din ang araw na pa-give up na siya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Basta may kilala ako na manganganak na, ite-text ko na ’yan.

    “Si Dani Barretto. Kasi nag-guest siya sa Magandang Buhay, so alam ko na manganganak siya. So no’ng nanganak na siya, text ako agad. ‘Kumusta na ang breastfeeding mo?’ Gano’n, gano’n. Si Melai, si Toni lagi kong kausap sa breastfeeding.”

    Dagdag niya, “Pero hindi ako namimilit kasi alam ko, nakaka-stress talaga. Pero hangga’t kaya ko silang i-encourage, go!”

    More from Smart Parenting

    Ayon pa sa kanya, “gift” ang breastfeeding at nais niyang makamtan din ito ng kapwa niya ina. “So pag merong iba na nadi-discourage na, talagang kinakausap ko na huwag silang mabahala,” paliwanag niya. “Masakit sa umpisa pero pag pinagtiyagaan, makakaya mo ’yan. Sa akin, ang challenge ’yong nagwo-work ka, nagpapa-dede ka, at hindi mo puwedeng bale-walain kasi ’yon ang pagkain nila, di ba? Doon sila kumukuha ng pang-araw-araw nila, lalo na kung baby pa.

    “Napakalaking challenge po talaga para sa isang nanay physically, mentally, and emotionally. Kasi siguro kapapanganak mo pa lang, nasasaktan ka sa mga tahi mo ’tapos masakit pa dito [sa dibdib]. Meron kasi akong kilala na nag-give up siya. Sabi niya, ‘Nagpo-postpartum na ako dito, iniisip ko pa ’to.’ Kaya mo ’yan— ‘yan ang sinasabi ko sa kanya. Pero hindi ko na siya pinilit kasi baka sobra siyang nahirapan. Pero malaking challenge po talaga ang breastfeeding. Proud po ako na overcome ko po ’yon.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles