embed embed2
  • Juday at Ryan Agoncillo, Gladys at Christopher Roxas, Tagumpay Sa Mga Food Business Nila

    by Lei Dimarucut-Sison .
Juday at Ryan Agoncillo, Gladys at Christopher Roxas, Tagumpay Sa Mga Food Business Nila
PHOTO BY @iamgladysreyes, @ryan_agoncillo/Instagram
  • Tila nalilinya sa food business ang mga mag-asawa at magkakaibigang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, at Gladys Reyes at Christopher Roxas.

    Noong 2018, binuksan nina Gladys at Christopher ang Estela, isang Filipino restaurant, sa Cainta, Rizal. Malakas ang loob nilang gawin ito dahil lingid sa kaalaman ng marami, graduate ng kursong Culinary Arts si Christopher sa ISCAHM, o International School for Culinary Arts and Hotel Management, kaya ang pagma-manage ng restaurant ay nasa kakayahan nito.

    Ayon din sa report ng Pep.ph, nagtrabaho si Christopher sa hotel sa France kaya lalo pang nahasa ang kanyang kaalaman bago pa man nila buksan ang Estela. 

    Noong May 2019, ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo naman ang sumubok sa food service industry sa pamamagitan ng Angrydobo base sa special adobo recipe ni Juday, na ikinwento ni Ryan sa isang Instagram post nito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Juday ay nagtapos sa Center for Asian Culinary Studies (CACS) sa pagtuturo ni Chef Gene Gonzales noong 2006, at noong 2015 ay si Ryan naman ang kumumpleto ng parehong kurso. Noong i-launch ang unang branch ng Angrydobo sa Taft Avenue sa Maynila, naging mainit ang pagtanggap dito ng mga tao.

    Dahil sa tagumpay nito, hindi nagtagal ay binuksan na rin nina Juday at Ryan ang pangalawang branch ng Angrydobo sa Westgate Center, Alabang nito lamang Disyembre 2019. 

    At hindi dito natapos ang venture ng mag-asawa. Ilang hakbang lamang ang layo sa bagong branch ng Angrydobo ay kasabay na itinayo din ang isang branch ng Pizza Telefono na pag-aari din ng mag-asawang Agoncillo. Ang Pizza Telefono ay isang Italian restaurant na specialty ang pizza, pasta, at chicken.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Kahapon, February 20, 2020, inilunsad naman nina Gladys at Christopher ang kanilang food catering business na Sommereux, na ipinangalan sa tunay na apelyido ni Christopher ((French ang kanyang ama).

    Kahit hindi ito ang unang sabak nila sa food service, kinabahan pa din daw si Christopher, ayon sa interview sa kanya ng Pep.ph

    "Medyo doubtful ako. Kasi yung sa Estela pa lang, newbies kami when it comes to restaurant business.

    "And now, catering business... Parang nagduda ako, 'Kakayanin ba natin ito?'

    "But of course, with the help of those people para masimulan namin ito, and yung support system ng family, mga tamang supplier…" sabi ni Christopher.

    Dahil dito, malaki ang pasalamat ng mag-asawa sa suporta ng kanilang pamilya na tumutulong sa kanilang maabot ang kanilang mga pangarap. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close