embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Hindi Namin Ipagdadamot: Anak Ni Juday Na Si Yohan, Curious Tungkol Sa Tunay Na Magulang

    Sabi ng premyadong aktres, tutulungan nila ang anak na hanapin ang magulang niya kung gusto nito.
    by Lei Dimarucut-Sison .
Hindi Namin Ipagdadamot: Anak Ni Juday Na Si Yohan, Curious Tungkol Sa Tunay Na Magulang
PHOTO BY @officialjuday/Instagram
  • Hindi daw ipagkakait ni Judy Ann Santos sa anak na si Yohan na makilala ang mga magulang na nagbigay-buhay sa kanya sakaling gustuhin ito ng 15-taong gulang na dalagita balang araw. Inihayag ito ng premyadong aktres sa kanyang guesting sa talk show na Tonight with Boy Abunda noong Lunes, Disyembre 16, 2019.

    Isang bukas na libro ang buhay ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, at alam ng marami na si Yohan ay adopted simula pa lamang. Sabi ni Juday, hindi naging madali para sa kanila na ipagtapat sa panganay na hindi nila siya tunay na anak.

    “Nung una parang… hindi siya in denial, e, pero parang baka feeling niya siguro baka binobola ko siya or something.

    “And we made her realize na Ryan and me started a family because of you [Yohan].

    “Basically, ikaw yung mitsa ng kandila ng pamilya natin.

    More from Smart Parenting

    “Her name is Johanna Louise, Lucho’s name is Juan Luis, Luna’s name is Juana Luisa—all named after you,” patukoy sa dalawang nakababata niyang anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “You came first, so always remember, hindi ka basta saling-kit dito. You started this family,” ang sabi niya kay Yohan.

    At dahil pa-teenager na ito at unti-unti nang nagkakaisip, pansin ni Juday na nagsisimula na ang mga katanungan ni Yohan tungkol sa kanyang pinagmulan. 

    “May tanong siya. ‘Do you know my mom?’

    “‘No.’

    “‘Are you friends with my dad?’

    “‘No, sweetheart.’

    “‘But, sweetheart, if at some point you want to meet them, you want to talk to them, if you feel that there are questions already in your heart that’s piling up, and feeling mo sila lang ang makakasagot, we can look for them because that’s your right,’” saad ni Juday.

    More from Smart Parenting

    Bagama’t inaamin niyang masakit sa damdamin, nilinaw ni Juday na karapatan ni Yohan na malaman ang kanyang pinagmulan. Ang hinihingi lamang niya ay ang kahandaan ng kanyang dibdib sakaling tuluyan na nga itong mangyari. 

    “Hindi mo naman siya pinagdadamot, pero from that time she asked me that question, I was preparing myself every day, ‘Lord, dumating man yung time na maging seryoso na ‘tong batang ‘to, prepare mo kami kasi hindi ko siya ipagkakait sa ganoon.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Naikwento rin ni Juday kung paano nagbago ang kanyang pananaw pagdating sa label na “adopted” na noong una ay hindi niya gusto. 

    “Dumating ako sa point, Tito Boy, na pag may mga nag-i-interview sa akin, I’d always tell them, ‘Can you please not put the word ‘adopted’ because she’s our daughter and she’ll see this and I don’t want her to feel bad?’

    “Then eventually, I realized everybody out there who’s adopted, should realize that it’s such a beautiful word.

    “Ako, ang realization ko, napakaganda ng salitang adopted o adoption because somebody wanted you in their lives. They chose you,” ani Juday.  

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles