;
embed embed2
  • ‘Housework Is Work,’ Sabi Ng Judge Sa Divorce Settlement Na Pabor Sa Stay-At-Home Mom

    Tinawag itong “landmark case” sa pagkilala ng kontribusyon ng mga maybahay.
    by Jocelyn Valle .
‘Housework Is Work,’ Sabi Ng Judge Sa Divorce Settlement Na Pabor Sa Stay-At-Home Mom
PHOTO BY Shutterstock
  • Kung stay-at-home mom (SAHM) o di  kaya stay-at-home dad, halos lahat ng ginagawa mo sa bahay ay sinasabing "invisible labor" dahil hindi ito bayad. Pero hindi ibig sabihin nito, wala kang sapat na kontribusyon sa pagtataguyod ng pamilya.

    Sabi ng isang judge sa Kenya, halimbawa, katumbas ng gawaing bahay (housework) and kahit anong trabaho (work). Ito ang naging desisyon niya sa divorce settlement na pinaboran ang maybahay na si Mary Wambui, ayon sa ulat ng BBC.

    Iginawad ng korte kay Mary ang kalahati ng bahay nila ng dating asawa matapos ang kanilang 13 taong pagsasama.

    Isa itong "landmark declaration," sabi pa sa ulat, para sa mga kababaihan hindi lang sa Kenya pero pati na rin sa ibang parte ng Africa. Maaari itong maging basehan ng mga susunod ng kaso kung saan mabibigyan din ng kaukulang halaga ang kontribusyon ng mga (SAHM).

    Kuwento ni Mary sa ulat, "very happy" at "relieved" siya sa naging desisyon ng korte sa kanyang divorce case. Pakiwari niya raw hindi nasayang ang kanyang kabataan habang kasal at gumagawa sa bahay.

    Pakiramdam ni Mary, isa na siyang role model para sa mga kababaihan sa Africa. Aniya, "Women suffer, they tend to feel they don’t own anything."
    PHOTO BY BBC.com
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nagbigay naman ng paliwanag sa ulat si Rose Mbanya, isang family law specialist. Aniya, umiiral noon sa Kenya ang tinatawag na Married Women’s Property Act. Galing ito sa England taong 1882 pa, kaya hindi na raw praktikal na sundin pa. Pagdating ng 2013, nagkaroon naman ng Matrimonial Property Act. 

    Nakasaad sa Matrimonial Property Act na ang marital contribution ay parehong financial at non-financial. Binibigyan ng halaga nito ang pagpapatakbo ng bahay, pag-aalaga sa mga anak, pagsisilbi sa asawa, at iba pang gawain. Ginagamit itong basehan sa mga kaso ng divorce para mabigyan ng tamang pagkilala ang kontribusyon ng mga SAHM.

    Kaya bilin ni Rose sa mga maybahay na nag-aalala at nagtatanong kung anong naibigay nito sa pamilya na huwag magpadala sa makalumang pananaw na walang nagagawa dahil sa bahay lang. Diin niya, "You are not doing nothing."

    Dito sa Pilipinas, naghain noong March 2019 si Albay Rep. Joey Salceda ng House Bill 8875 or “Housewives Compensation Act.” Nilalayon nitong mabigyan ng buwanang financial assistance ang mga SAHM na kabilang sa ibaba ng poverty threshold. Ngunit hanggang ngayon, nakabinbin ang pagdinig nito sa House Committee on Gender and Equality.

    Maraming SAHM at iba pang mommy ang umaaray sa hindi pantay na pagkilala sa gawain sa bahay at pamilya. Isa sa kanila ang nagkuwento na hindi naiintindihan ng kanyang asawa ang ginagawa niyang "invisible workload" (basahin dito).

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles