;
embed embed2
  • Judy Ann Santos On Sexy Photo: 'Pini-picture-an Ako Ng Asawa Ko. Hindi Ba Ako A-awra?'

    Tinanong din si Judy Ann kung susundan ba nila ni Ryan Agoncillo si Luna.
    by Bernie V. Franco for Pep.ph .
  • Nagbigay ng detalye si Judy Ann Santos, 41, tungkol sa pinag-usapang sexy photo niya na ipinost ng asawang si Ryan Agoncillo, 40, sa Instagram account nito.

    December 3, 2019 nang i-post ni Ryan ang kuha niyang larawan ni Judy Ann na nakahiga sa kama at labas ang kanyang legs.

    Umani ng positive comments ang larawan ni Judy Ann, lalo pa’t hindi naman siya kilala sa pagkakaroon ng sexy image sa showbiz.

    “Bagong gising kasi ako nun, e.

    "‘Tapos nag-usap kami ni Ry. Sabi niya, ‘Diyan ka lang, wait.’

    “'Tapos binuksan niya yung kurtina," paglalarawan ng aktres sa eksena nilang mag-asawa.

    What other parents are reading

    Naikuwento ito ni Judy Ann sa pocket presscon ng pelikulang Mindanao nitong December 12, Huwebes.

    “Bakit kasi yun yung suot ko?” tanong ni Judy Ann, patukoy sa nakalislis na suot niyang white robe sa photo.

    “Siyempre, pini-picture-an ako ng asawa ko, hindi ba ako a-awra?”

    Binigyan daw ni Judy Ann ng permiso si Ryan na ilabas sa social media ang kanyang larawan.

    “Sinabi naman niya sa ‘kin, ‘O, ipo-post ko na ito.’

    "'Mukhang okey naman, sige.' May approval ko naman.

    “Para sa akin, if that’s the way my husband sees me, bakit ko naman ipagkakait sa universe yun?

    “Minsan lang ako magpa-legs, magpa-Pasko naman.”

    What other parents are reading

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang larawan ay kuha mula sa bakasyon ng mag-asawa sa Japan.

    Kuwento ni Judy Ann, “Nanood kami ng U2.

    “Matagal na siyang naka-schedule, so mukha lang nag-celebrate kami for the trophy, for the winning.”

    Ang tinutukoy ni Judy Ann ay ang pagkapanalo niya ng Best Actress sa Cairo International Film Festival para sa kanyang pagganap sa Mindanao.

    “Pero matagal na talaga siyang naka-set.

    Malaki ang pasasalamat ni Judy Ann sa kanyang international award na idinasal daw niya noon.

    “Good na nga ako. Kahit apat na Pasko pa, e.

    “Good na ako, okey na ‘to. Puwedeng-puwede...”

    Ang Mindanao, na idinirehe ni Brillante Mendoza, ay entry rin sa Metro Manila Film Festiva 2019.

    What other parents are reading

    Paiwas namang sinagot ni Juday nang matanong kung balak nilang sundan ni Ryan ang bunsong anak na si Luna.

    “Saan?” sabi ng aktres.

    Ani Juday, nagkakaroon siya ng weight problem sa tuwing mabubuntis, gaya ng nangyari sa kanya nang ipagbuntis si Luna.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “Para akong kumain ng sampung bata. Pag nabuntis, alam na alam mong buntis ako.”

    Inabot daw ng taon bago nabawi ni Judy Ann ang kanyang ideal weight.

    “Mas matagal yung pag-lose ng weight kay Luna kesa kay Lucho.

    “Kay Lucho kasi, eight months pa lang na-reach ko na yung goal, e.

    “Eto, parang 4 years old na si Luna, parang hindi ko pa nari-reach yung goal, e,” nangingiting paliwanag ni Juday.

    Sina Juday at Ryan ay may tatlong anak: sina Yohan, 15, Lucho, 9, at Luna, na mag-aapat na taon sa January 2020.

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading


  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles