embed embed2
  • Bahay Ni K Brosas Inabandona Umano Ng Contractor Matapos Bayaran Ng 7 Million

    "I hope justice will be served at the end of the day."
    by Bernie V. Franco for Pep.ph .
Bahay Ni K Brosas Inabandona Umano Ng Contractor Matapos Bayaran Ng 7 Million
PHOTO BY Instagram/kbrosas
  • Naghain ng formal complaint si K Brosas dahil “inabandona” umano siya ng pinagkatiwalaang contractor matapos niyang maglabas ng humigit-kumulang Php7 milyon para sa ipinapatayong bahay.

    Ipinost ni K sa Instagram ang larawan niyang nanunumpa matapos pormal na magsampa ng reklamo noong Biyernes, September 10, 2021. Hindi tinukoy ng singer-comedienne-host kung saang prosecutor’s office siya nagtungo. Hindi rin niya binanggit ang pagkakakilanlan ng contractor na umano’y tinakbuhan siya.

    Multi-million peso deal

    Sa kanyang caption, idinetalye ni K ang aniya’y matagal na niyang dalahin sa mga nakalipas na taon.

    Kuwento ni K (published as is), “Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang aking bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pag-upa ng townhouse at condominium unit. Isipin nyo nga naman, sa ilang taong pagaartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay.”

    Base sa paglalahad ni K, lumalabas na hindi tinupad ng contractor ang kanilang napag-usapan sa ipinapagawa niyang bahay.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon... Inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay.

    “Maiintindihan ninyo naman siguro ako na pinaghirapan ko yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog. Wala e, kelangan nating mangarap.”

    Matinding epekto raw ang idinulot nito kay K na tanging malalapit na kaibigan lang niya ang nakakaalam. Pagpapatuloy niya, “Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari.

    “Alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress... Masaya ako lagi sa trabaho ko pero lingid sa kaalaman ng iba pag hindi naka harap sa camera, grabe ang bigat at depression ko dahil sa pangarap kong bahay na para din sa anak ko...”

    Sa huli, nagdedisyon si K na idaan na ito sa legal na paraan. “Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko.”

    Pinasalamatan din ni K ang tatlong abogadong tutulong sa kanya kaugnay sa inihain niyang reklamo. “Naniniwala pa din ako sa justice system natin. I hope justice will be served at the end of the day,” pagtatapos ni K.

    'Pamana ko dapat sa anak ko'

    Ayon sa report ng Manila Bulletin, binisita ni K ang bahay nitong pandemic at nakitang 35 percent pa lang ang natatapos. “Binisita ko yung bahay na pinapagawa ko after the pandemic. Nanghina ako noong nakita ko yung property,” aniya.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sabi ng komedyante na naibigay na niya ang full amount sa contractor sa loob ng isang taon. “Pinag-ipunan ko yun at wala akong loan. Pamana ko dapat sa anak ko yung house. Simple lang yung bahay,” aniya.

    Sa ngayon ay hindi na alam ni K kung nasaan ang contractor. Isang taon na niyang kinakausap ang mga ito na isauli ang pera “pero walang nangyari.”

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    Rica Peralejo also encountered problems with the contractor she hired for their home renovations. Click here for the story.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles