embed embed2
  • Tunay Na Intimate Family Gathering Ang Kasalang Alex Gonzaga at Mikee Morada

    Tanging mga kapamilya ang mga piling bisita, at sumunod sila sa health protocols.
    by Jocelyn Valle .
  • Tunay na intimate ang kasalan nila Alex Gonzaga at Mikee Morada dahil tanging mga malalapit lamang sa kanila ang imbitado.

    Makikita sa video na posted sa vlog ni Alex nitong Saturday, January 16, 2020 na naroon ang kani-kanilang mga magulang at iba pang mga kamag-anak.

    Kabilang sa partido ng actress-TV host ang ate niyang si Toni Gonzaga, ang asawa ni Toni na si Paul Soriano, at ang unico hijo nila Toni at Paul na si Seve Soriano.

    Ginanap ang kasalan sa Gonzaga family home sa Taytay, Rizal noong November 2020. Mula pagbaba ng hagdan, inihatid si Alex ng kanyang tatay na si Carlito “Bonoy” Gonzaga hanggang sa living area, kung saan nagkaroon ng simple ngunit madamdaming seremonyas.

    alex gonzaga is married
    Sa living room ng Gonzaga family home ginanap ang wedding ceremony.
    PHOTO BY YouTube/Alex Gonzaga Official
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sumunod ang mga bisita sa health protocol bilang pag-iingat laban sa COVID-19. Kabilang dito ang pagsusuot ng face mask at pagkakaroon ng social distancing.

    Matatandaang dinapuan ng coronavirus sina Alex at Mikee, pati na ang ilan pang kasamahan ni Alex sa bahay kaya naudlot ang plano nilang magpakasal ng October.

    Pahayag ni Alex sa kanyang vlog, “We just wanted to thank our family kasi the moment we said na we are gonna married, they’re all very supportive. This wedding is really for our parents kasi siyempre, ’yong nangyayari ngayon, it’s very uncertain.

    "Hindi natin alam kung kelan matatapos ang pandemic. Siyempre, gusto namin to seal the deal na nandito kami lahat, nandito tayo lahat nakaka-celebrate.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nag-post sa Instagram ng family photos ang nanay ni Alex na si Pinty Gonzaga, na kilala bilang Mommy Pinty, para i-congratulate si Alex at i-welcome si Mikee sa kanilang pamilya.

    Lahad ni Mommy Pinty sa caption, “Sooo happy for both of you! May the Lord bless and keep as you journey your life together as Mr. and Mrs. Morada! God’s blessings be upon you in Jesus Name! Love you.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    alex gonzaga toni gonzaga
    Si Seve, 4, ang nagsilbing ring bearer, na ikinatuwa naman ng kanyang Tita Alex.
    PHOTO BY YouTube/Alex Gonzaga Official

    Nagpaabot din si Toni ng congratulations para sa kanyang younger sister at brother-in-law sa pamamagitan ng Instagram. Sinabi din niya na may “new tito” si Seve bilang pag-welcome kay Mikee.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles