Napaluha ang ina ni Kiray Celis na si Meriam Celis dahil sa advance birthday gift ng anak sa kanya.
Sa video na in-upload sa Facebook kagabi, April 10, 2023, ibinahagi ni Kiray ang pagsorpresa niya sa ina para sa ika-58 kaarawan nito sa darating na May 24.
Binigyan ng Kapuso comedienne ng isang milyong piso, in cash, ang ina.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ayon kay Kiray, ito ay hiniling ng kanyang ina noon para maipagawa na ang bagong bahay sa nabili nilang lote.
Gagawin daw kasi nila itong paupahan para sa karagdagang income.
Caption ni Kiray sa post: “1 Million Cash Para kay Mama! [praying hands emoji] Happy birthday, Ma! mahal na mahal kita sobra sobra! [heart emoji]”
CONTINUE READING BELOW
watch now
Sa Instagram, ibinahagi naman ni Kiray ang larawan nila ng inang hawak ang isang milyong piso.
Sabi ng komedyante, sulit daw ang lahat ng pagod niya sa trabaho dahil napasaya nito ang kanyang magulang.
Kulang pa nga raw ito kung tutuusin sa sakripisyo nito sa kanilang buhay.
Bahagi ng kanyang caption: “Isang milyong regalo sa birthday ng aking ina.. kulang pa yan sa pagmamahal, pagaalaga at pagaasikaso mo sakin.. akala ko june ko pa mabibigay sayo. Pero nabuo ko na ng maaga. Worth it lahat ng pagod at paos ko sa lahat ng trabaho ko.”
Umaasa naman si Kiray na magsisilbi siyang inspirasyon sa iba para maging mabuting anak.
Maliit man daw o malaki, maa-appreciate ito ng mga magulang.
Dagdag pa ni Kiray: “Sana maging inspirasyon ako sa mga kagaya kong anak na kapag napagod.. magpahinga lang tapos tuloy ulit! Para maibigay lahat at makatulong sa pamilya natin.
“Maliit man o malaki, basta galing sa puso ang tulong mo.. naappreciate yan ng mga magulang niyo. Mabuhay lahat ng bread winner na anak sa mundo!”
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.