;
embed embed2
  • Kylie Padilla Says The Best Thing To Do Is To Blame No One: 'Life Is About Growth'

    "Claim it, I'm happy, I'm healthy, I'm alive."
    by Rachelle Siazon for Pep.ph .
Kylie Padilla Says The Best Thing To Do Is To Blame No One: 'Life Is About Growth'
PHOTO BY Instagram/Kylie Padilla, Instagram/Aljur Abrenica
  • Tila walang sinisisi si Kylie Padilla, 28, sa hiwalayan nila ni Aljur Abrenica, 31.

    Ito ang malamang mensahe ng Kapuso actress sa kanyang Instagram post ngayong Huwebes, Hulyo 15.

    Sinabi ni Kylie na mas nais niyang baunin ang mahalagang aral na kanyang natutunan kaysa manisi ng ibang tao.

    Hindi diretsahang sinabi ni Kylie, pero mahihinuhang may kinalaman ang kanyang post sa breakup nila ng mister na si Aljur.

    "In the end the best thing to do is not to blame anyone for the things that happened BUT to observe where you could have done better," saad sa caption ni Kylie.

    Siniguro rin ni Kylie na positibo ang disposisyon niya ngayon. Consistent ito sa mga ibang social media posts nito na inaalagaan niya ang kanyang sarili.

    Dagdag niya, "Life is about growth.

    "Silence the noise and make the best out of your life.

    "Claim it, I’m happy, I’m healthy, I’m alive. I’m hoping the same for you?"

    Kalakip ng Instagram post ni Kylie ay dalawang litrato niya kunsaan siya ay nakatodo makeup habang nakasuot ng simpleng denim pants at sleeveless top.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ipinost ito ni Kylie sa gitna ng usap-usapang third party ang dahilan ng hiwalayan nila ni Aljur.

    Kylie on being linked to JM

    May lumutang na bersiyon ng bali-balitang si Kylie umano ang may third party, at dawit sa isyu ang Kapamilya actor na si JM de Guzman.

    Sa Instagram ni Kylie, may netizen na tahasang inusisa si Kylie kung totoong siya nagpapaligaw umano sa "mga mayayaman" at "mga artista" kabilang si JM.

    Ipinaabot din ng netizen kay Kylie ang isyung siya ay "high-maintenance" at "di afford" ni Aljur ang "luho" kaya sila naghiwalay na mag-asawa.

    Pinabulaanan ni Kylie ang isyu.

    Sabi ni Kylie (published as is), "magkaibigan lng kami ni JM. This is not true."

    Aljur cheated on Kylie, according to Robin

    Una namang lumutang ang balitang si Aljur umano ang may ibang babae kaya sila naghiwalay ni Kylie.

    Base ito sa kuwento ng ama ni Kylie na si Robin Padilla sa vlog ni Ogie Diaz noong July 7.

    Tahasang sinabi ni Robin na si Kylie ang nakipaghiwalay kay Aljur dahil "meron" umanong third party si Aljur, at hindi raw ito tanggap ni Kylie.

    Walang binanggit si Robin kung sino ang hinihinalang third party ni Aljur.

    Tatlong babae ang nadawit sa isyu—sina Erin Ocampo, Maika Rivera, at Cindy Miranda.

    Ayon sa hiwalay na mga pahayag nina Maika at Cindy, wala raw silang kinalaman sa hiwalayang Aljur at Kylie.

    Si Maika ay nakatrabaho ni Aljur sa defunct Kapamilya series na Sandugo, at si Cindy ay nakatambal ni Aljur sa pelikulang Nerisa.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang Kapuso artist na si Erin ay nakatrabaho noon ni Aljur sa FPJ's Ang Probinsyano.

    Pero sa ngayon ay wala pang direktang pahayag si Erin sa pagkakasangkot niya sa kontrobersiya.

    Tikom din ang bibig ni Aljur sa alegasyong siya ay may third party.

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles