Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Libreng Sakay Para Sa Mga Estudyante, Panata Ng Isang Amang May Sakit Ang Anak

    Ito na lamang ang naisip na ialay ng motorcyclist na si Michael Vinuga para sa kanyang anak.
    by Ana Gonzales .
Libreng Sakay Para Sa Mga Estudyante, Panata Ng Isang Amang May Sakit Ang Anak
PHOTO BY Modrea Eulanne T. Reyes
  •  

    Sa sobrang hirap ng buhay ngayon, hindi maikakailang bihira ka na lang talagang makakaranas ng mga llibreng serbisyo. Samahan mo pa ng labis na hirap na dinaranas ng mga motorista at commuters araw-araw dahil sa traffic, iisipin mo talagang wala nang mabuting nangyayari sa mundo.  

    Kaya naman nang mag-offer ang motorcycle rider na si Michael Vinuga ng libreng sakay sa mga estudyante papunta sa Cubao district ng Quezon City, hindi makapaniwala ang mga estudyante at ibang motoristang nakakita sa kanyang offer. 

    Sa trending Facebook post ng estudyanteng si Modrea Eulanne T. Reyes, ikinwento niya ang good deed ng isang ordinaryong ama na may ekstra ordinaryong hangarin—ang makatulong sa mga estudyanteng apektado ng pagsasara ng LRT. Ayon kay Eulanne, libreng isinasakay ni Vinuga ang mga estudyante papuntang Cubao. Isang oras nang naghihintay ng masasakyan si Eulanne sa Santolan nang makita niya ang karatulang nakadikit sa motor ni Vinuga. Malapit nang mahuli sa klase si Eulanne noon dahil punuan na ang mga jeep at wala na rin siyang ibang masakyan. Walang pag-aalinlangan siyang hinatid ni Vinuga para umabot siya sa klase niya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isa lang ang hininging kapatil ni Vinuga—dasal para sa kanyang limang taong gulang na anak na si Marcus na noo'y nasa ospital dahil sa pneumonia. "I insisted on paying him or even opening a fund raising account for their hospital bills, but he rejected me multiple times. He said all he wants is a prayer for his son," kwento ni Eulanne sa kanyang Facebook post na ngayon ay may mahigit limang libong reactions at isang libong shares na online. Nanawagan din si Eulanne sa kanyang mga kaibigan at pamilya na ipagdasal ang anak ni "Kuya Mike."

    Sa panayam naman ng GMA News kay Vinuga, sinabi nitong may nag-pledge na para tulungan sila sa kanilang gastusin sa ospital. Hindi man inasahan ng asawa ni Vinuga na si Divina ang good deed na ito, malaki pa rin ang pasasalamat ni mommy sa lahat ng nagdasal at tumulong sa kanilang pamilya. "Maraming salamat at napagaling natin si Marcus dahil sa prayers nila," sabi ni Mommy Divina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    As of posting ay kasalukuyan nang nagpapagaling si Marcus.

    Sa panahon ngayon, madalas ay sarili na lamang nating mga pangangailangan ang iniisip natin. Magandang makita at malaman na mayroon pa ring mga taong nakukuhang isipin muna ang kapakanan ng iba bago ang mga pansariling layunin.

    Mayroon ka bang kwento ng kabayanihan, good vibes, at pagmamagandang loob na gusto mong i-share? I-send mo lang sa smartparentingsubmissions@gmail.com. Maaari ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles