;
embed embed2
  • May Pangako Si Lovely Abella Sa Pumanaw Na Biyenan: 'Di Ko Pababayaan Ang Anak Mo'

    Kasal si Lovely sa kapwa dancer-turned-actor na si Benj Manalo.
    by Jocelyn Valle .
May Pangako Si Lovely Abella Sa Pumanaw Na Biyenan: 'Di Ko Pababayaan Ang Anak Mo'
PHOTO BY Instagram/lovelyabella_, benj
  • Sa pagbibigay pugay ni Lovely Abella sa yumaong nanay ng kanyang asawang si Benj Manalo na si Ana Lyn Manalo, nag-iwan siya ng pangako sa biyenan.

    Ibinahagi ng dancer/comedienne/entrepreneur ang ilang litratong kuha mula sa burol ng kanyang mother-in-law, pati na ang kanyang mensahe para kina Ana Lyn at Benj.

    Aniya sa caption, "Rest in Peace Mommy. Hindi man tayo nagkakwentuhan ng matagal, di man tayo nagkasama pero ang isang mapapangako ko ay di ko pababayaan ang Anak mo at mga kapatid ko na din.

    "Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nila kaya masakit din sakin na sobra silang nasasaktan. Wag kang mag alala hanggang sa huli di ka namin kakalimutan."

    Sa ikalawang bahagi ng kanyang caption, ipinahiwatig ni Lovely ang tila pagkakaayos ng relasyon ng mag-ina. "Mahal," patungkol niya sa naka-tag na si Benj, na isang ring dancer/actor/entrepreneur. "Pinahanga mo ako, pinahanga mo ako kung gaano kabuti ang Puso mo."

    Pagpapatuloy ni Lovely, "Salamat Lord at pinaliwanagan mo ang isip ng Asawa ko, mas nakita mo ang dahilan kung bakit Tough Love sayo Si Mommy, nakita mo na ang resulta ng lahat na ikinakaganda ng buhay mo ngayon.

    Sa pagtatapos, sabi ni Lovely kay Ana Lyn, "Forever ka naming mamimiss.."

    Matagal nang hiwalay si Ana Lyn sa tatay ni Benj na si Jose Manalo, ang kilalang komedyante at co-host ng Eat Bulaga! Kapatid ni Benj ang aktor din na si Nicco Manalo at tatlo pang wala naman sa showbiz.

    Sina Lovely at Benj ay nakapagpundar ng ilang negosyo, mula live selling hanggang reselling at retail. Nakapagpatayo na rin sila ng sariling bahay (basahin dito).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles