embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Wow! Nakisali Na Din Si Lucy Torres Sa Tala Dance Craze

    Ang congresswoman at celebrity mom ay dating dance show host.
    by Jocelyn Valle .
  • Bagamat abala sa kanyang tungkulin bilang Leyte Fourth District representative, hindi nagpapahuli si Lucy Torres-Gomez sa current dance craze na “Tala,” na hango sa hit song ni Sarah Geronimo. Magiliw na nagsayaw si Lucy kasama ng ilang kababaihan sa isang Christmas party na ginanap kamakailan sa kanyang hometown na Ormoc City.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nakunan ng ilang video ang pagsasayaw ni Lucy at posted ang mga ito sa Facebook page na Richard Gomez Global. Ang full video kung saan naka-green dress si Lucy (makikita dito) ay umani na ng 1.2 million views, 27K reactions, at 1.2K shares. Panay papuri sa pagiging graceful ni Lucy ang laman ng 260 comments.

    More from Smart Parenting

    Ipinamalas ni Lucy ang talento niya sa pagsasayaw, na unang hinangaan ng publiko sa reality-TV dance competition na Shall We Dance? Nagsilbi siyang host sa weekly show na umere sa Channel 5 mula 2005 hanggang 2010. Kada linggo ay meron siyang dance number na madalas opening ng episode.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa nasabing party sa Ormoc City ay isinayaw din si Lucy ng kanyang actor-husband na si Richard Gomez, na siya ring mayor ng siyudad. Ilang steps ng swing ballroom dance ang ginawa nila, kabilang na ang dip fall trick sa video na ito.

    Isinayaw din ni Richard ang unica hija nila ni Lucy na si Juliana. Ang video nito ay posted sa Instagram account ng actor-politician. Aniya sa caption, “Even when Juliana was a child I always loved dancing with her. It is my time where I can hug her close to my heart, take a close look at her smiling face and tell her how much I love her. Moments like these are priceless, precious to me.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Si Juliana, 19 years old, ay college freshman sa University of the Philippines-Diliman at miyembro ng women’s volleyball team. Ang kanyang mga magulang ay pawang UP graduates. 

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles