embed embed2
  • January 2021 Babies! Maricris Garcia At Janet Jamora Nanganak Na

    Baby girl kay Maricris ng GMA-7 at baby boy naman kay Janet, ang twin sister ni Jinkee Pacquiao.
    by Jocelyn Valle .
January 2021 Babies! Maricris Garcia At Janet Jamora Nanganak Na
PHOTO BY Instagram/steve_jumalon, maricrisgarcia_cruz
  • Masaya ang pagpasok ng bagong taon para sa GMA-7 singer na si Maricris Garcia at kay Janet Jamora, ang twin sister ni Jinkee Pacquiao. Ligtas kasi silang nanganak nitong ikalawang linggo ng January 2021.

    Ipinakilala ni Maricris ang panganay nila ng asawang si TJ Cruz bilang si Adaiah Denise Garcia Cruz.

    Kuwento ni Maricris sa Instagram na isinilang ang baby girl nang eksakto 8:14 a.m. ng January 12. Sa gitna ng kaligayahan, hindi raw niya mawari kung paano niya nakayang dalhin ang sanggol sa kanyang sinapupunan ng siyam na buwan. 

    Aniya sa caption, “No words could ever describe that overwhelming feeling the first time you hear your child cry. I still can’t believe I carried you inside me for 9 months. How can another human grow inside my body?!? How?!?”

    Sa huli, ang nasabi na lang ng new mom, “Life truly is a miracle and a gift from God, with Him nothing is impossible.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May 2020 nang inanunsiyo ni Maricris, ang grand winner ng third season (2006-2007) ng singing contest na Pinoy Pop Superstar, na ipinagbubuntis niya ang unang supling nila ni TJ. Ikinasal naman sila noong December 2016 sa Silang town, bandang Tagaytay City, sa may Cavite.

    Samantala, ang asawa naman ni Janet na si Steve “Tibo” Jumalon ang nagbalita na isinilang na ang kanilang third child.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Si Tibo ay finalist ng reality TV show na Pinoy Big Brother: Double Up (2009-2010). Kasabayan niya sina Melai Cantiveros (grand winner), Paul Jake Castillo (runner-up), at Jason Francisco (finalist).

    Ibinahagi ni Tibo sa Instagram ang ilang litrato at video ng baby boy na pinangalanan nilang Jeremiah Daniel. Makikita ang sanggol na nasa incubator.

    Kalakip sa January 9 post ang isang Bible verse mula sa 1 Samuel 1:27: “I prayed for this child, and the Lord granted me what I asked of him.”

    Dagdag pa ng new dad sa caption: “GLORY TO GOD!”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    September 2020 nang inanunsiyo ng mag-asawang Tibo at Janet na baby boy ang ikatlo nilang supling, kasunod nila Raymond at Ella. Ikinasal sina Tibo at Janet noong February 2016 sa Sarangani, ang home province ng pamilya nila Janet at Jinkee. 

    What other parents are reading

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles