embed embed2
  • Marjorie Barretto, May Youtube Vlog Na; Ibinahagi Ang DIY Birthday Party Ni Erich

    DIY ng buong pamilya ang lahat
    by Lei Dimarucut-Sison .
  • Dumadami ang mga personalities na na nagva-vlog, at ang isa sa mga nag-launch ng kanyang Youtube channel kamakailan ay ang mom of 5 (at grandmother of 1) na si Marjorie Barretto.

    Sinimulan ni Marjorie ang unang episode ng kanyang vlog sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa mga bagay na kanila pa ring nae-enjoy sa kabila ng enhanced community quarantine. At dahil nga stay home ang bilin sa lahat, nandoon lahat sa bahay niya ang kanyang mga anak: si Julia, Claudia, Leon, Erich, at maging ang panganay na anak na may sarili na ding pamilya, si Dani

    "There's really more reason to celebrate because, during a time like this, we still have each other, kumpleto pa din tayo, at wala tayong mga sakit. Safe tayo sa bahay natin, and we're alive," sabi niya.

    What other parents are reading

    Espesyal ang unang episode ng vlog ni Marjorie na in-upload kahapon, April 20, 2020, dahil dito ipinakita ang paghahanda nila para sa ika-walong kaarawan ng bunsong anak na si Erich. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kasama mismo si Erich sa pagpaplano ng kanyang birthday. Hinayaan siya ni Marjorie na maghanap ng dekorasyon na pwede nilang gawing banderitas. Bibong-bibo din si Erich na nagkwento na siya ang katulong ng ina pagdating sa technology dahil hindi gaanong marunong ito.

    "It's the birthday of Erich in 2 days, but because we are on lockdown, DIY lahat," sabi ni Marjorie, at dahil gustong mapasaya ang anak, naghanda sila "para lang kunwari children's party." 

    Naghanda rin si Marjorie ng lahat ng paboritong pagkain ng kanyang mga anak: spaghetti, cheese sticks, hotdog on stick with marshmallow, chocolate with marshmallows.

    Sa araw mismo ng birthday ni Erich, April 9, may mga birthday greetings at sweet messages para kay Erich na isinulat si Marjorie sa salamin ng kanilang kwarto at banyo gamit ang colored pens. Ito ang unang tumambad kay Erich pagkagising niya.

    Nag-breakfast date din ang mag-ina sa garden na silang dalawa lang.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Maya-maya ay sinorpresa nila ang bunso sa pamamagitan ng pagkanta ng Happy Birthday. Nang makita ni Erich ang kanilang inihanda, tuwang-tuwa ito.

    Bukod sa kanilang DIY banderitas, may pink and blue balloons galing sa Party Station. May Pusheen two-tiered birthday cake galing sa Sweet Creations, at masayang hinipan ni Erich ang kanyang birthday candles.

    Pagkatapos nilang kumain, may mga kamag-anak at kaibigan silang nagpaabot ng birthday greetings kay Erich sa pamamagitan ng video call. Naging emotional din ang bata sa bahaging ito, pati na kanyang mga kapatid at si Marjorie. Buti na lang at pinasaya sila ni baby Millie, ang anak ni Dani.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Syempre pa, hindi kumpleto ang children's party ni Erich kung walang parlor games

    Naglaro sina Erich, Dani at Julia ng Chubby Bunny, kung saan paramihan sila ng marshmallow na maipapasok sa bibig.

    Nag-TikTok din ang mag-anak, at doon natatawang ibinuko ni Marjorie kung sino sa mga anak niya ang pinakamadalas mag-complain (Leon), pinaka-musically inclined (Claudia), at kung sino ang paboritong anak (Erich).

    Naglaro din sila ng Trip to Jerusalem kung saan nanalo si Julia laban kay Leon, at ng longest Happy birthday, na napanalunan ni Claudia.

    Sabi ni Marjorie, bagama't ito ang pinakasimpleng kaarawan ni Erich, masayang-masaya daw ito dahil nag-bonding silang pamilya.

    Panoorin ang buong video:

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles