embed embed2
  • Payo Ni Marjorie Barretto Sa Mga Anak: 'Wag Magtanim Ng Sama Ng Loob'

    Marjorie Barretto: "It's not out of hate. It's out ofâ peace muna."
    by Arniel C. Serato for Pep.ph .
  • Ang payo daw ni Marjorie Barretto sa lahat ng kanyang anak ay huwag magtanim ng sama ng loob sa mga nakasakit sa kanila.

    Mabigat daw kasi ito sa pakiramdam.

    Sa vlog ni Toni Gonzaga na tonitalks na in-upload ngayong araw, May 16, bahagyang napag-usapan ng dalawa ang tungkol sa “hatred sa heart.”

    PHOTO BY Courtesy: Celestine Gonzaga-Soriano on YouTube

    Dahil na rin daw sa turo niya sa kanyang mga anak, baka daw tanungin ng tao kung nakalimutan na ba niya na meron pa silang alitan ng kanyang nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto at ng bunso nilang si Claudine Barretto.

    Pasubali ni Marjorie, “And when some people who think na, ‘Who am I to say that, I'm not in good terms with my two other sisters.'

    "It's not out of hate. It's out of… peace muna. Parang there's just more peace when, in that space.

    “Parang there’s just too much pain na it’s just gonna be more peaceful kung hindi bati.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “But it doesn’t mean that karga-karga ko araw-araw, na nagigising akong galit na galit sa kanila. Hindi, e, hindi ganun, e.”

    Sa tanong kung kumusta na siya ngayon emotionally, sabi ni Marjorie, “Definitely, not from a place of hate.

    "Well, I don’t look back at it na masakit pa yung dibdib ko or I won’t wish ill of them.

    "Di ba 'pag galit ka, 'pag hate mo yung tao, di ba?

    “Gusto mo masamang mangyari. Wala ako dun.

    “It’s not coming from a place of unforgiveness. I just want peace.”

    Wala naman daw kay Marjorie kung nahusgahan na siya ng ibang tao. Hindi raw kasi nila alam ang kanyang side ng istorya.

    Ang mahalaga raw ay meron siyang peace of mind.

    Dagdag pa niya, “I can shut down from the judgment of other people.

    "There’s so much that they don’t really know that goes on behind that story. And I refuse to share.

    “We are public figures but we are not public property.

    “Because at the end of the day, kahit anong sikat mo, pag-uwi mo, you are normal like anybody else.

    "We have the same problems, we have the same needs…

    “So parang, I want to protect that side of us because that side of the fame or, that’s not forever, you know?

    “So ito na lang ang puprotektahan ko. And I know how to shut down from judgment.

    “I know how to not listen to the bad things they say about me. I know myself more.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    “I know my children more. And I know they all have good hearts.”

    The Barretto family feud

    Taong 2004 pa napabalitang nagsimula ang away ng magkakapatid na Barretto.

    Pero, nagkakaayos naman sila minsan.

    Ngunit muling sumiklab ang away nina Gretchen, Marjorie, at bunso nilang kapatid na si Claudine noong Abril 2013.

    Nag-ugat ito nang sumagot sina Gretchen at Marjorie sa isang basher sa Instagram na may username na btchjuliaisbitch.

    Ipinagtanggol nina Gretchen at Marjorie si Julia Barretto, anak ni Marjorie, na noon ay kaka-launch lamang bilang miyembro ng 2013 batch ng Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN.

    Noong panahong iyon, hindi malinaw kung ano ang ipinost ng basher laban kay Julia dahil nabura kaagad ang komento nito at walang nakapag-screenshot.

    Subalit base sa mga komento nina Gretchen at Marjorie ay sinisiraan ng basher si Julia sa pagpasok nito sa showbiz.

    Walang binanggit na pangalan si Gretchen sa kanyang mga komento, pero leading ang mga pahayag nitong tila kilala nito ang basher.

    Comment ni Gretchen laban sa basher (published as is): “yuck? You know what yuck is? Your husband walked out coz of you violent ways. What exactly did you do to his Porsche? His laptop? Etc. oh pls reflect & go to your happy place.. Medical city.”

    Ang komentong ito ni Gretchen ay patukoy sa napabalitang domestic problem noon sa pagitan ng mag-asawang Claudine at Raymart Santiago.

    Noong 2010, o tatlong taon matapos silang ikasal, naging maugong ang isyung pagkakaroon ng problema sa pagsasama nina Claudine at Raymart.

    Naging malaman din ang comment ni Marjorie: “her demons are coming out again…this time, for all to see.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dahil sa mga komentong ito, maraming netizens ang naghinala na ang tinutukoy nina Gretchen at Marjorie ay si Claudine.

    Sinagot din ni Gretchen ang kanyang followers kung bakit ganoon na lamang ang galit nila sa basher.

    Aniya, “the basher warned us that if Julia enters star magic she will do everything to ruin Julia because she claims she is the teleserye princess & will remain that way till the end of eternity.”

    Mahaba pa ang kuwento ng away nilang ito.

    Pero nagkabati rin sina Claudine at Gretchen, at ang nakalaban naman ng dalawa ay si Marjorie.

    Lalong sumiklab ang awayan ng tatlo na naladlad sa publiko ang away ng magkakapatid sa burol ng ama nilang si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, Taguig City, noong Oktubre 16, 2019.

    Umalingawngaw sa balita na kaagad daw nag-react si Marjorie nang sinabi ni Claudine na darating ang kapatid nilang si Gretchen sa burol ng kanilang ama.

    May mga sinasabi raw na bakit pa ito pupunta pagkatapos ng ginawa ni Gretchen sa pamilya nila.

    May sinabi rin daw si Marjorie na sinira ni Gretchen ang buhay ng mga anak niya.

    Noong dumating si Gretchen, nagkataong nandoon din si President Rodrigo Duterte.

    Sabi ng isang napagtanungan ng PEP Troika, nagwawala na raw si Marjorie sa kanilang family room, lalo na’t nagyakap na ang mag-inang Inday Barretto at Gretchen.

    Dagdag pang kuwento, lumapit pa raw si President Duterte kina Marjorie para kausapin sana ito at pag-ayusin silang magkakapatid.

    Pero bago pa raw nakatabi ang Pangulo sa kanya, umalis na raw si Marjorie at umiwas na ito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ilang sandali lang, lumapit daw ang pamangkin ni Gretchen na si Nicole Barretto at sasampalin daw sana ang aktres.

    Pero napigilan daw ni Gretchen at inawat agad sila.

    Bago raw nailayo si Nicole sa tiyahin niya, nahablot daw ni Gretchen ang buhok nito, kaya lalong lumala ang gulo.

    Mabuti at nandoon pa ang Pangulo ng bansa, at naawat na raw ng PSG ang mga nag-aaway na magkakapamilya.

    Sa ikalawang gabi ng burol, October 17, naiulat ng Cabinet Files ang balitang nagkasakitan naman si Claudine at ang kanyang nakatatandang kapatid na si Marjorie.

    Kasama rin daw sa nangyaring gulo ang panganay na anak ni Marjorie na si Julia.

    Simula noon, nagsanga-sanga na ang kuwento at patuloy pa rin ang away ng magkakapatid.

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles