embed embed2
  • Mas Maraming Bata Ang Tinatamaan Ng COVID-19 Variant Na Ito, Ayon Sa Eksperto

    Unang nadiskubre ang B.1.1.7 coronavirus strain sa United Kingdom.
    by Jocelyn Valle .
Mas Maraming Bata Ang Tinatamaan Ng COVID-19 Variant Na Ito, Ayon Sa Eksperto
PHOTO BY Shutterstock
  • Mas maraming bata ang tinatamaan ng bagong variant ng COVID-19 virus na tinatawag na B.1.1.7 . Una itong nadiskubre sa United Kingdom noong December 2020 bago lumaganap sa iba pang mga bansa, kabilang ang Pilipinas at lalo na sa United States.

    Nagbigay ng babala tungkol sa B.1.1.7  variant si Dr. Michael Osterholm, ang director ng Center for Infectious Disease Research and Policy at miyembro ng coronavirus advisory board ni U.S. president Joe Biden.

    Paliwanag ni Dr. Osterholm sa TV interview niya kamakailan sa Meet the Press, na madali kasing makahawa ang B.1.1.7 variant sa bata, pati na sa adults, kumpara sa ibang coronavirus strains.

    Kaya sabi pa ng eksperto, nahaharap ang U.S. sa "brand-new ballgame" dahil sa bilis kumalat ng B.1.1.7 variant. Sa nakaraan nga raw dalawang linggo, ayon pa sa ulat ng Forbes, 750 na eskuwelahan sa U.S. ang nakapagtala ng mga kaso ng infection mula sa COVID-19 variant na iyon.

    Ang sinasabing "rapidly growing outbreak," ayon naman sa ulat ng National Geographic, ay natukoy sa Carver County sa Minnesota state, kung saan nagkaroon ng school-sponsored at club sports activities.

    Sa isang study na isinagawa ng Minnesota Department of Health, lumabas na malaking porsiyento ng mga kaso ay dulot ng B.1.1.7 variant. 

    Sa parehas na outbreak sa Wisconsin state, ang mga bata sa Dane County childcare center na nagpositibo sa virus ay 6 years old pababa. Pero lumabas sa isa pang study na mas maliit ang posibilidad na maipasa ng younger children ang virus.

    Ang magandang balita, ayon sa mga eksperto, ang COVID-19 vaccines na ginagamit tulad sa U.S. ay epektibo laban sa B.1.1.7 variant. Maaari pa rin daw mapigilan ng vaccines ang paglala ng pandemic basta malimitahan ang exposure sa virus sa pamamagitan ng pagsunod sa public health precautions at restrictions.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi nga ng infestious diseases expert na si Dr. William Schaffner sa media report, "If you need another reason to get vaccinated, here it is. Not only is it more contagious, but when you are infected with it, you're more likely to get serious disease."

    (Para sa common questions tungkol sa COVID-19 vaccine, basahin dito.)

    Naniniwala ang medical researchers na kaya mabilis lumaganap ang B.1.1.7 variant ay dahil dumaan na ito sa maraming genetic changes. Nasa 17 na raw ang total, kasama na ang 8 na sinasabing hallmark spike protein ng virus.

    Ang spike protein ay dumidikit sa ACE2 receptor protein, na matatagpuan sa outer wall ng 72 types ng human cells. Kapag ang virus ay dumikit naman sa ACE2 receptor, maaari itong pumasok sa host cell at gumawa ng maraming kopya ng sarili hanggang mabuo ang infection sa katawan ng tao. 

    Paliwanag pa ng isang eksperto, "These mutations provide selective advantage to B.1.1.7, so that's why now it's spreading everywhere."

    Dagdag pa ni Olivier Schwartz, ang head ng Virus and Immunity Unit ng Pasteur Institure sa Paris, France: "It's a kind of a Darwinian selection process."

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles