embed embed2
  • Matteo Guidicelli On Ending Rift With Sarah Geronimo's Family: "I Imagine It All The Time."

    Matteo Guidicelli dreams of making peace with wife Sarah Geronimo's family.
    by Bernie V. Franco for Pep.ph .
Matteo Guidicelli On Ending Rift With Sarah Geronimo's Family: "I Imagine It All The Time."
PHOTO BY Instagram/Matteo Guidicelli
  • "We're extremely happy. Sarah is happy."

    Ito raw ang mensaheng nais iparating ni Matteo Guidicelli sa kanyang in-laws, o mga magulang ng asawang si Sarah Geronimo, na sina Divine Geronimo at Delfin Geronimo.

    Bakas sa mga salita ni Matteo na hindi pa rin ayos ang relasyon niya sa mga magulang ni Sarah.

    February 20, 2020, idinaos nina Matteo at Sarah ang kanilang secret wedding. Hindi imbitado ang mga magulang ni Sarah.

    Naging masalimuot ang dapat sana'y masayang okasyon nang biglang dumating sa reception ang ina ni Sarah, na kilala sa showbiz circle sa tawag na Mommy Divine.

    Napabalita ang pagkakaroon ng komosyon sa venue dahil nagalit at nagwala umano si Mommy Divine.

    Sa kabila ng hidwaan, pangarap daw ni Matteo na dumating ang araw na magkaayos sila ng pamilya ni Sarah.

    Best day of Matteo's life

    Ibinunyag ni Matteo na maraming nangyari at maraming pagbabago bago at pagkatapos silang ikasal ni Sarah.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Before we got married, grabe yung ride namin," lahad ni Matteo sa vlog ni Toni Gonzaga na in-upload sa YouTube nitong December 1, 2020, Martes.

    Sabi ng aktor, magkakaroon pa dapat ng second wedding isang linggo matapos ang secret wedding nila ni Sarah.

    Planado na raw lahat ng ito. Pero napurnada ito dahil bukod sa insidente sa araw ng kanilang kasal, nagsimula nang ipatupad ang quarantine dahil sa pandemic.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    "A week before lockdown, Feb 20, 2020, we got married, very small wedding."

    "A week after was supposed to be our wedding with our friends, but lockdown happened."

    Bagamat hindi raw "perfect" ang kanilang kasal, itinuturing pa rin ito ni Matteo na isa sa pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay.

    Aniya, "In the end of the day, it was a beautiful day. Two people synergizing together, becoming as one.

    "That was one of the best days of my life. It wasn't perfect, but I consider it the best day of my life."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    How Matteo would have wanted his wedding to be

    Kung si Matteo raw ang masusunod, gusto sana niya ng military wedding, kasama ang kanyang mga kaibigan at mga kamag-anak.

    Noong 2019, si Matteo ay nagtapos bilang Philippine Army Reserve Force at ginawaran ng ranggong second lieutenant, kung saan mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumirma sa kanyang promotion papers.

    Sinundot ng tanong si Matteo kung anong kasal naman ang gusto sana ni Sarah.

    Sagot niya, "Hers naman, very private, very private. She really wanted private, solemn with family, and just loved ones wedding, kumbaga."

    Diretsahan tinanong ni Toni si Matteo kung bakit wala ang pamilya ni Sarah sa araw ng kanilang kasal.

    Makahulugang sagot ni Matteo, "Of course, that would have completed my wife's dream.

    "In God's time... in time... to be positive, things will heal, things will be better."

    Bago ang kasal nina Matteo at Sarah, kilala ang ina ni Sarah na si Mommy Divine sa pagiging bantay-sarado sa sikat na anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    After five years, nakikita ba ni Matteo ang sarili na kasama ang pamilya ni Sarah sa isang lamesa at kumakain magkakasama?

    "Oh, my gosh, I imagine it all the time. I imagine it all the time," tugon ng aktor.

    "Not just for me but, obviously, of course, primarily for my wife. But also for my family, my parents.

    "I believe our parents raised us up and worked so hard for us that, one day, they could marry a woman and man, and two families combined, di ba, having a drink together and pasta together.

    "I think that's our family's dream. One day, one day it will happen," pananalig ni Matteo.

    Tinanong si Matteo kung ano ang nakapagpapasaya sa kanya. Sagot niya, kapag masaya ang kanyang misis.

    Sa sumunod niyang pahayag, bagamat wala man siyang tinukoy na tao, mahihinuhang magiging buo ang kaligayahan nila kapag sa wakas ay nagkaayos-ayos na sila kasama ang pamilya ni Sarah.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Seriously, when I see Sarah happy, when I see Sarah independent, when I see Sarah enjoying, laughing, talagang [it] completes me ba.

    "When the day comes and everything is united, I think she should be the happiest and most complete person. One day..." asam ni Matteo.

    Kailan niya huling nakita ang kanyang in-laws?

    "I don't even know!" natatawang sagot ng aktor.

    Ano ang nais niyang ipaalam sa mga magulang ni Sarah?

    "We're extremely happy. Sarah is beautiful, Sarah is amazing, independent, and she's happy," pagtatapos ni Matteo.

    Matteo and Sarah's secret wedding

    Ginanap ang secret Christian wedding nina Matteo at Sarah sa Victory Church, The Fort, Bonifacio Global City, Taguig, noong February 20, 2020.

    Piling mga kaibigan lamang ang inimbitahan sa Christian wedding. Naroon ang pamilya ni Matteo, pero wala ang pamilya ni Sarah.

    Pagkatapos ng wedding ceremony ay dumiretso ang maliit na wedding entourage sa isang private room sa Ministry of Crab, Shangri-La at The Fort, BGC.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kasagsagan ng reception, biglang dumating si Mommy Divine na nagpupuyos ang damdamin.

    Lalong tumindi ang kaguluhan nang sapakin umano ni Matteo si Jerry Tamara, bodyguard ng pamilya ni Sarah.

    Si Tamara umano ang pinagbintangan ni Matteo na nagsumbong kay Mommy Divine tungkol sa secret wedding.

    Madaling-araw ng February 21, 2020, nagtungo sa himpilan ng pulis sa Taguig si Tamara para ipa-blotter si Matteo. Pero tumanggi siyang sampahan ng reklamo ang aktor.

    Mariing itinanggi ni Matteo ang akusasyong sinuntok niya si Tamara.

    Nauwi sa areglo ang isyu ni Tamara kay Matteo.

    Noong February 26, humarap kay Tamara si Vic del Rosario Jr., big boss ng Viva Entertainment, ang talent management company nina Sarah at Matteo.

    Naging posible ang paghaharap nina Tamara at Boss Vic dahil sa public service program na Raffy Tulfo in Action.

    Una, humihingi raw si Tamara ng PHP1.5 milyong settlement, subalit ang counter-offer lamang ni Boss Vic ay P100,000.

    Hindi nagkaareglo sa araw ng paghaharap na iyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagkalipas ng dalawang araw, ipinaalam ng Viva na tinanggap ni Tamara ang P200,000 at nakipag- areglo na sa Viva.

    ---

    This story originally appeared on Pep.ph. Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles