embed embed2
  • Matteo Guidicelli On Married Life With Sarah Geronimo: 'The Wife Is Always Correct!'

    Matteo says spending the quarantine with wife Sarah Geronimo is like being on an extended honeymoon.
    by Bernie V. Franco for Pep.ph .
  • “Great. It’s amazing.”

    Ganito inilarawan ni Matteo Guidicelli, 30, ang buhay may asawa nila ng misis niyang si Sarah Geronimo, 31.

    Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang ikasal ang actor-athlete sa Popstar Royalty. Nangyari ang secret wedding nina Sarah at Matteo sa Victory Church sa Taguig City noong February 20, 2020.

    Ayon kay Matteo, patuloy nilang kinikilala ang isa’t isa sa kanilang “extended honeymoon.” Dahil sa enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19 crisis, itinuturing ni Matteo na matagal-tagal na honeymoon ang pananatili nila sa bahay.

    Lahad niya, “Being home, being with the family, ako, bagong kasal ako… Being with my wife, it’s also, in a way, a blessing in disguise, na we have an extended honeymoon, kumbaga. It’s a time we’re really locked in our place, and we’re getting to know more each other, every single day. That’s the interesting part.”

    Ibinahagi ito ni Matteo sa isang special webinar na sponsored ng health and wellness products na kanyang iniendorso, noong Miyerkules ng hapon, April 29. Siya ang resource person sa Facebook Live seminar, kung saan pinag-usapan ang pagkakaroon ng tamang attitude sa gitna ng nangyayaring krisis. Kasama rito ni Matteo ang dalawang executives ng naturang brand, na nagtanong tungkol sa married life ng aktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

    Adjustments in married life

    Kapansin-pansin ang magandang ngiti ni Matteo habang nagkukuwento tungkol sa kanyang buhay ngayon. Kumusta ang adjustments sa buhay ngayong may asawa na siya?

    “Great. It’s amazing. I recommend it to all my friends. Hahaha!” natatawa niyang sagot. “I was talking to my other batchmates, ‘How’s married life?’ kumbaga."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sagot naman daw ni Matteo sa kanila: “Bro, I think you should get married too, man.’ I don’t know, maybe I’m just in my honeymoon stage. I’m in the beginning of my marriage, but it’s amazing to wake up, sleep beside the person you love the most. It’s amazing.”

    Marami raw natututunan si Matteo sa pagsasama nila ni Sarah, at mas kinikilala rin nila ang isa’t isa. “It’s a blessing and I found my partner, kumbaga. There’s so many things we could do together, and so many things we could achieve together," aniya.

    What other parents are reading

    Maituturing ba niyang isa sa mga pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay ang pagpapakasal?

    “Of course! It also makes you learn about yourself so much more. You learn also about humility so much. You’re not always right.

    "The wife is always correct even though they’re not. Hahahaha!” biro pa ni Matteo.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “On a serious note, you really learn how to balance, and how to just give in, and just how to agree, just to be patient, just these things… It’s a nice phase."

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    Masaya mang kasama si hubby ngayong quarantine, minsan hindi maiiwasan ang away. Mag-click dito para sa payo ng mga experts kung paano mababawasan ang pag-aaway ninyong mag-asawa.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles