Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Hindi Nababahala Si Maui Taylor Kung Madiskubre Ng Mga Anak Ang Sexy Image Sa Pelikula

    “Smart” kung isalarawan ni Maui ang kanyang two sons.
    by Jocelyn Valle .
Hindi Nababahala Si Maui Taylor Kung Madiskubre Ng Mga Anak Ang Sexy Image Sa Pelikula
PHOTO BY courtesy of Maui Taylor
  • Mayroong special participation si Maui Taylor sa pelikulang Adan, na nagbukas sa sinehan nitong November 2019, kung saan gumanap siyang ina ng isa sa mga bida noong bata pa ito. Pero hanggang do’n na lang muna ang mommy role na tatanggapin niya dahil na rin sa pakiusap ni Viva Entertainment top honcho Vic del Rosario, na kilala sa bansag na Boss Vic, na siyang namamahala ng kanyang showbiz career.

    “Sabi niya kasi hindi naman akong mukhang mommy,” lahad ng 36-year-old actress/TV host/vlogger sa SmartParenting.com.ph sa premiere night ng Adan kamakailan sa SM Megamall cinema. Kahit na sa totoong buhay aniya ay may dalawang anak na siya at ang kanyang non-showbiz husband. Two boys ang mga ito: sina Antoine, 6, at Matteo, 4.

    More from Smart Parenting

    Pansin ni Maui na mabilis siyang nakabalik sa kanyang pre-pregnancy figure sa tulong ng breastfeeding na ginawa niya kay Antoine na six months at kay Matteo na three months. Nag-work out din siya six months pagkatapos niyang mangangak ng Cesarean section sa parehong anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Gusto sana ni Maui ng normal delivery simula sa panganay ngunit biglang “my water bag popped” kahit di siya nakakaramdan ng contraction. Nalaman lang niya nang magpa-check up siya at sinabihan agad ng doktor na sumailalim sa emergency CS.

    maui taylor
    Di tutol si Maui kung sakaling pumasok ang anak niya sa showbiz. Pero sa ngayon, guesting lang muna ang maaaring gawin ng mga ito, tulad ng partisipasyon nila sa music video para sa kanta ni Donnalyn Bartolome na “HBD (Birthday Mo).”
    PHOTO BY courtesy of Maui Taylor
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Maui Taylor Viva Hot Babes
    Lahad ni Maui, “Eventually kung gusto talaga nila kasi makikita din naman nila sa mommy ’yon. It’s up to them. I’ll let them decide.”
    PHOTO BY courtesy of Maui Taylor
    More from Smart Parenting

    Kabilang si Maui sa sexy all-girl group na Viva Hot Babes na nakilala noong 2000s sa kanilang mga naughty songs, provocative videos, at sizzling magazine covers. Bilang solo star ay bumida ang petite mestiza sa mga sexy movies na GamitanHiblaSex Drive, at Ang Huling Birhen sa Lupa. (Tulad niya ay pawang mga ina na rin ang iba pang Viva Hot Babes at nagpapalitan pa sila ng parenting notes, lalo na siya at si Katya Santos dahil halos magkaedad ang kani-kanilang panganay.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hindi siya nababahala na sa kalaunan ay madiskubre iyon ng kanyang mga anak. Pagtatapat niya, “Actually, naisip ko na ’yon. Eventually someone will tell them. Hindi mo naman matatago ’yon. Ang internet world ngayon, iba na. For sure, they will see. But, ako, feeling ko, kaya ko siyang i-handle, i-explain.”

    Ang importante, diin niya, ay “hindi nila nakikita na nagwawala ka sa labas or doing something else with other men.” Maliwanag din dapat sa mga bata na gumaganap lang siya ng isang karakter sa pelikula at iba iyon sa kung ano siya sa bahay.

    Katunayan ay nananatiling bukas si Maui sa mga trabahong may temang sexy, kabilang na ang ilang reunion project nila ng Viva Hot Babes. Paliwanag niya, “Sexy now hindi naman katulad noon sa amin. Hindi naman sa nami-miss, but this time nothing too wild like the last time.”

    Books can help you talk to your kids about tough topics. Check our list here. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
View more articles