embed embed2
  • Max Collins Speaks Up About Two Parties For Skye: 'We Couldn't Be Together That Day'

    "I'm so thankful to have a husband who supports me and who understands."
    by Arniel C. Serato for Pep.ph .
  • Nagsalita na si Max Collins tungkol sa pagdadaos nila ng asawang si Pancho Magno ng magkahiwalay na birthday parties para sa anak nilang si Skye Magno, 1.

    Sa panayam ni Nelson Canlas ng GMA News kay Max ngayong Biyernes, July 9, sinabi ng aktres na ang mga kaibigan niya ang nagbigay ng birthday surprise kay Skye kung saan hindi nakarating si Pancho dahil sa trabaho.

    Nagdaos ng hiwalay na birtday party si Pancho para sa anak, at si Max naman ang hindi nakadalo dahil din sa trabaho.

    Saad ni Max, "Now, all we're focusing on is the fact that [he enjoyed the two] parties.

    “It's sad [that] we couldn't be together on that day, but we're just gonna make [up for it] next time.”

    Dahil sa hiwalay na birthday parties, kung saan wala ang isa sa kanila, nagkaroon ng espekulasyon tungkol sa estado ng pagsasama ng mag-asawa.

    Napansin din ng netizens na hindi na nagpu-post sina Max at Pancho sa social media ng mga larawang magkasama sila.

    Paliwanag pa ng aktres, gusto nila ni Pancho na gawing pribado ang kanilang buhay mag-asawa kaya piling-pili lang ang mga post nila sa social media.

    "I really wanted to address the issue [because] Pancho and I have talked about how, for now, he's giving me time to prioritize my career.

    "That means, [on] social media, [we're quiet] and we have our own branding [as actors].”

    Abala ngayon si Max sa taping ng upcoming Kapuso drama series na To Have And To Hold, kasama sina Carla Abellana at Rocco Nacino, at siniseryoso raw niya ang bawat oportunidad na ibinibigay sa kanya bilang aktres.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kaya malaki raw ang pasasalamat niya kay Pancho na naiintindihan nito ang kanyang trabaho.

    "So, I'm so thankful to have a husband who supports me and who understands,” sabi ni Max.

    Dagdag niya, "I really don't have to explain things to people I suppose [because] that's our personal life.

    "We talk about it together and I know that people are interested.

    "I just want to say you're entitled to your own opinion and I'm sorry if [I cannot answer all of you right away] but we're happy and that's all that matters."

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles