;
embed embed2
  • May GERD Pala Kaya ‘Super Fussy’ Ang Baby Nina Sophie Albert At Vin Abrenica

    Avianna Celeste ang pangalan ng panganay ng engaged couple.
    by Jocelyn Valle .
May GERD Pala Kaya ‘Super Fussy’ Ang Baby Nina Sophie Albert At Vin Abrenica
PHOTO BY Instagram/(left) Sophie Albert; Vin Abrenica
  • Sa lampas isang buwan mula nang ipanganak ni Sophie Albert ang panganay nila ng fiancé na si Vin Abrenica, marami na raw silang natutunan bilang first-time parents

    Kuwento ni Sophie sa vlog nila ni Vin, may panahon na hindi nagpapalapag ang baby girl nilang si Avianna Celeste "kahit for five seconds nang hindi siya umiiyak." Kaya "super fussy" ang paglalarawan niya sa sanggol na isinilang noong March 15, 2021.

    Iyon pala, ayon kay Sophie, may iniinda si Baby Avianna na gastroesophageal reflux disease (GERD). Malamang daw may kinalaman ang karamdaman ng sanggol sa hindi pa mature nitong tiyan o digestive system.

    Sabi pa niya tungkol sa anak, "She has a problem, I think, digesting her milk, that’s why she’s super fussy...We're having such a hard time with her."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ipinakita sa vlog na todo kung ipaghele nila Sophie at Vin ang si Baby Avianna. Ika nga ng aktor, "The struggle is real." Nariyan ang kanyang pagkanta habang isinasayaw ang baby. Pero ang paborito raw nito ang "Boom-Boom-Boom moves" na ginagawa ng aktres.

    Masaya namang ibinalita ni Sophie na bumubuti na ang pakiramdam ni Baby Avianna. Mga apat o limang araw na raw na hindi masyadong namemerwisyo ang sanggol. Bawas na nang di hamak ang pag-iyak nito at nakakatulog nang lampas dalawang oras.

    Pansin ng new mom na nagsisimula nang tumitig ang baby girl sa kung anong makita nito. Aniya, "I guess this is the time when she finally sees contrast. She’s starting to stare at our faces."

    Saad niya, "She’s getting better. We are both getting better. The three of us, we’re starting to have a little bit of a language together."

    Dagdag pa niya, "I’m starting to understand na rin, like her cries, if she’s really hungry. Or she’s just a little bit more needy, she just needs more comfort.  Slowly, we’re getting to know each other better, and I’m really enjoying it."

    Mapapanood ang vlog nina Sophie at Vin dito:

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles