-
Money Missed GSIS’s COVID-19 Emergency Loan Last Year? It’s Available Again Until June 21, 2021
-
Toddler A Guide to Chores You Can Give Your Kids From Age 2 to 7 Years Old
-
Getting Pregnant Masama Ang Epekto Ng Stress Sa Buntis, Ayon Sa Maraming Pag-aaral
-
Baby This Couple Is Turning Their Grief Into Gratitude After the Death of Their Baby
-
Cris Villonco Sa Asawa: 'You Never Ever Made Me Feel Like It Was My Fault'
“2021…bahala ka na,” sambit ng singer-actress.by Jocelyn Valle .
May mensahe si Cris Villonco sa sarili niya at mga katulad niyang hirap mabuntis nang mag-post siya sa Instagram habang patapos ang tinatawag niyang “year of hope.”
Aniya, “To you…who feels like giving up. Don’t. I pray and shower you with…Baby Dust. 2021…bahala ka na.”
Kuwento ng 37-year-old singer/actress/host na hindi na niya mabilang kung ilang clinics, bloodwork, ultrasounds, at procedures ang pinagdaanan nila ng asawang si Paolo Valderrama sa pagnanais nilang magka-anak. Ikinasal sila noong April 30, 2016.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPero diin ni Cris, na apo rin ng yumaong singer/actress/film producer na si Armida Siguion-Reyna, hindi siya nawawalan ng pag-asa. Naiibsan daw ang “anger and hurt” ng kanyang listahan ng “hopes and dreams." Kaya nagpapasalamat siya sa tulong ng ilang tao at pang-unawa ng kanyang asawa.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosPahayag ni Cris patungkol kay Paolo, isang enterpreneur: “Thank you. You never ever made me feel like it was my fault. Thank you for doing everything to make me feel better…even if that meant burgers…everyday. I love you.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWInamin din ni Cris na “silly” ang dating sa kanya ng mga katagang sinasambit sa mga in-vitro fertilization (IVF) groups.
Katulad nito: “It’s hard to wait around for something you know might never happen. It’s even hard to know when it’s everything you want.”
Ngayon daw, lubusan na niyang naiintindihan ang sentimiyento ng mga kababaihang nagpupunta sa fertility clinic upang mabiyayaan ng anak.
Bumuhos naman ang suporta ng Instagram followers ni Cris. Ang ilan sa kanila ay ibinahagi ang mga sariling karanasan sa paghahanap ng paraan upang mabuntis.
Ayon sa isang commenter, naaalala pa niya ang mga panahon na halos linggo-linggo niyang pinupuntahan ang kanyang ob-gyn. Hindi pa niya kasama ang kanyang asawa dahil may trabaho ito.
Ginawa raw niya iyon sa loob ng 10 years, at nagbunga naman dahil 1-year-old na ngayon ang kanyang anak. Wala daw talagang imposible, lalo na kung sasabayan ng dasal.
Ang sabi ng katulad na commenter, 42 years na siya nang ipagbuntis ang sinasabi niyang “miracle” baby.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWLahad ng isa pa na mayroon siyang polycystic ovary syndrome (PCOS), pero nabuntis pa rin. Iyon nga lang, nakunan siya. Kaya sumubok muling mabuntis, hanggang makabuo ng ngayon ay 4-month-old baby.
May nagpayo naman kay Cris na subukan ang acupuncturist na nagbigay sa kanya ng herbal medicine. Naniniwala siyang nabuntis siya dahil sa pag-inom ng herbal medicine.
Limang taon daw kasi siya at kanyang asawa na gumamit ng reproductive technology, ngunit nabigo sa bawat pagkakataon. Naging matagumpay lang daw sila nang subukan naman nila ang alternative medicine.

View More Stories About
Trending in Summit Network