pregnancy,pregnant,trying,Megan Young,trying to conceive,trying to get pregnant,Mikael Daez,Megan Young Opens Up On Trying To Conceive | Smart Parenting,Beauty Pageants,Arts & Entertainment,Fashion & Style,Celebrities & Entertainment News,pregnancy,pregnant,trying to conceive,getting pregnant,IVF,IUI,baby,parent,megan young,mikael daez,Here's what Megan Young had to say about trying to conceive
LifeNews

Megan Young On Having A Baby: 'If It's There, It's There; And If It's Not, Tatanggapin Ko'

Megan Young and husband Mikael Daez were married in 2020.
PHOTO BYINSTAGRAM /MEGANBATA

Consistent si Miss World 2013 Megan Young na hanggang ngayon ay may mga pangamba pa rin siya tungkol sa pagbubuntis.

Una niya itong nabanggit sa podcast nila ng mister na si Mikael Daez noon pang September 2022.

Pero hindi naman daw niya isinasara ang pinto para rito, at ok lang din daw sa kanilang mag-asawa kung hindi ito mangyari.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, tinanong namin ang actress-beauty queen tungkol dito.

"I think the unknown is scary, di ba? Di pa naman nangyayari sa akin so there's always that fear.

"Pero whatever happens, it happens in my life."

Siyam na taong magkasintahan ang dalawa bago nagpakasal noong February 25, 2020.

View this post on Instagram

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

Paglalarawan ni Megan sa kanilang married life, "Of course, may ups and downs kami ni Mikael, sa lahat ng couples mayroon talagang challenges.

"I think what make us strong is pinag-uusapan talaga namin. Whether mahirap pag-usapan ang mga bagay, problems namin as a couple, as individuals.

"Kailangan talaga ng honesty, tranparency, loyalty, of course.

"I'm just happy I found a partner that brings out the best in me, and hopefully I bring out the best in him also."

Nakapanayam ng PEP.ph si Megan sa 15th anniversary ng LifeStrong Marketing Innovation, na ginanap sa Luxent Hotel sa Quezon City noong September 16, 2023.

RELATED: 'We Don't Fight To Win': How A Couple's 'Scheduled Arguments' Brought Harmony To Their Marriage

On getting fit

Dahil din sa show niya na Royal Blood kaya na-inspire si Megan na mas alagaan ang sarili.

Aminado siyang hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa tip-top shape siya kaya mas nagiging conscious daw siya sa pagkain ng healthy food at pag-workout.

watch now

"I'm in my 30s na, kailangan ko ng alagaan ang health ko para kahit mag-taping kami ng long hours, I'm still able to do my job well.

"I exercise regularly. I'm more healthy now kasi mas inaalagaan na namin ang health namin.

"Ito yung mga bagay na pag bata ka, pag nag-i-start ka pa lang sa industriya parang 'kaya pa ng katawan ko.' Ngayon hindi na. Kailangan talaga alaga."

If you want to know more about how body weight and trying to conceive are related, read this story.

 

This story first appeared on Pep.ph.

Smart Parenting editors made minor edits.


Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close