embed embed2
  • Mekeni Food: 'ISO-Certified Ang Mga Produkto Namin'

    Naglabas na ng pahayag ang Mekeni kasunod ng mga alegasyong kontaminado ng African Swine Flu ang kanilang mga produkto.
    by Ana Gonzales . Published Oct 25, 2019
Mekeni Food: 'ISO-Certified Ang Mga Produkto Namin'
PHOTO BY Unsplash
  • Kamakailan ay kinumpirma ng Department of Agriculture na may mga samples nga ng isang brand ng processed meat na nagpositibo sa African Swine Flu (ASF). Ang mga naturang samples ay kinabibilangan ng breakfast staples tulad ng hotdog, tocino, at longganisa na dinala ng isang quarantine personnel mula Mindoro hanggang Central Luzon.

    Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, nakumpiska na ang mga kontaminadong produkto at nailibing na rin ang mga ito. Sinabi pa ni Reyes na tanging ang National Meat Inspection Service at ang Bureau of Animal Industry lang ang pwedeng magsabi ng brand name ng naturang mga kontaminadong produkto. Ngunit kamakailan ay lumabas na Mekeni Food ang distributor ng naturang kontaminadong karne. 

    What other parents are reading

    Sagot naman ni Mekeni Food president Prudencio Garcia, “We are an ISO-certified company.” Iginiit ni Garcia na lahat ng ginagamit nilang karne para sa kanilang mga produkto ay may kaakibat na certificates at permits mula sa gobyerno. 

    Sabi naman ni Reyes, posibleng ang mga kinumpiskang kontaminadong karne ay homemade lang. May ilang mga backyard hog raisers mula sa mga areas na may ASF ang maaaring nagtatago ng kanilang mga alagang baboy para ibenta ito sa mga traders. Ayon sa Philippine Association of Meat Processors, Inc (PAMPI), madali lang iby-pass ang inspeksyon dahil hindi naman dumadaan ang mga karne sa ASF testing kundi sa visual inspection lang mula sa National Meat Inspection Service (NMIS).

    What other parents are reading

    Para naman hindi tuluyang mag-panic ang mga consumers, sinabi ng Department of Health na walang masamang epekto ang pagkain ng karneng positibo sa ASF. "We are still waiting for the report from DA but the public should be reassured that consumption of such products pose no threat to human health,” sabi ni Health Undersecretary Eric Domingo sa isang text message sa CNN Philippines. Baboy lang ang naaapektuhan ng naturang virus.  

    Hinihintay din ng Mekeni ang report mula sa Bureau of Animal Industry bago sila magbigay ng iba pang komento tungkol sa issue. "For everyone's peace of mind, we are doing everything that we can to validate this issue and have full transparency on the testing procedure conducted by the Bureau of Animal Industry," pahayag nila. "We sincerely apologize for the panic this issue has caused. Like every one of you, we care about every Filipino family that patronizes and loves our products,” dagdag pa nila. Sabi pa ni Garcia, kailangan din daw i-examine ang mga pasilidad ng kanilang mga competitor brands.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close