embed embed2
  • Meryll Soriano, 38, Sa Kanyang Panganganak: 'All My Hard Work Paid Off'

    Ibinahagi rin niya sa kanyang mga followers ang pagbisita ng tiyahing si Maricel Soriano.
    by Arniel C. Serato for Pep.ph .
Meryll Soriano, 38, Sa Kanyang Panganganak: 'All My Hard Work Paid Off'
PHOTO BY Instagram/@PLANETUMEBOSHI
  • Sorpresang binisita ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang pamangkin na si Meryll Soriano at ang bagong silang nitong anak.

    Si Meryll ay anak ng kapatid ni Maricel na si BecBec Soriano.

    Si Becbec ay dating girlfriend ng TV host na si Willie Revillame.

    Si Meryll ang bunga ng kanilang pagmamahalan noon.

    Nitong Bagong Taon, inanunsiyo ni Meryll na mayroon siyang bagong anak.

    Ang ama nito ay ang nakabalikang nobyo na si Joem Bascon.

    Sa post ng aktres sa Instagram ngayong Lunes, January 4, sinabi nitong sorpresang dumating ang kanyang "Mommy 2" na si Maricel sa kanilang bahay.

    Mensahe ni Meryll sa caption, "Surprise visit from Mommy 2. Pinakaunang bisita!

    "We love you, Mommy 2. (three heart emojis)"

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Noong January 2, unang inanunsiyo ni Meryll na naipakilala na niya ang bagong silang na sanggol sa ama niyang si Willie.

    Tila naganap ang pagkikita nina Meryll at Willie bago pa Mag-Pasko.

    Base ito sa December 23 post ni Meryll kunsaan nakatalikod sila ni Willie, pero mapapansing tila may buhat na sanggol ang Wowowin host.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Meryll finally reveals the gender of her baby

    Linggo ng gabi, January 3, ipinaalam na rin ni Meryll ang kasarian ng anak nila ni Joem.

    Inanunsiyo niya ito sa pamamagitan ng pag-post ng larawan ng panganay na anak na si Elijah, 13, na karga-karga ang bagong kapatid habang nakaupo sa sofa malapit sa kanilang Christmas tree.

    Maiksing caption ni Meryll, "Brothers. (heart emoji)"

    Si Elijah ay anak ni Meryll sa dating asawang si Bernard Palanca.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kanya namang Instagram Stories, sinabi rin ni Meryll kung kailan niya isinilang ang kanyang bagong supling.

    Ayon sa kanya, normal delivery ang panganganak niya at dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang magsilang siya.

    Saad ng aktres, "Throughout my pregnancy, I worked out.

    "At 38, I was determined to get my body ready for giving birth.

    "All my hard work paid off. Normal birth delivery. 

    "I'm proud of this.

    "2 weeks post-partum."

    Parehong ikinagulat at ikinatuwa ng mga kaibigan at tagahanga ni Meryll ang magandang balita niya nitong Bagong Taon.

    Hindi kasi nalaman na publiko na nabuntis pala ang 38-year-old actress at nagsilang ng malusog na sanggol.

    Isang taong nagkarelasyon sina Meryll at Joem matapos nilang magkatrabaho sa ABS-CBN series na I Love Betty La Fea taong 2008 hanggang 2009.

    Ngunit naghiwalay ang dalawa matapos ang isang taon.

    Huling bahagi ng 2019, umugong ang balitang muling nagkakamabutihan ang dating magkarelasyon.

    Lalo pang uminit ang tungkol sa kanilang pagbabalikan nang lumutang ang hiwalayan ni Joem at ng dating live-in partner nitong si Crisha Uy.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Unang bahagi ng 2020, pilit na umiiwas si Joem sa tanong ukol sa kanila ni Meryll.

    Hanggang nito lamang unang araw ng 2021, kinumpirma mismo ng aktres ang kanilang nabuong bagong ugnayan.

    ---

    This story originally appeared on Pep.ph. Minor edits have been made by the smartparenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles