embed embed2
  • Merryl Soriano Says She And Joem Bascon Planned Their Pregnancy

    Ito ang nilinaw ng 38-year-old actress sa kanyang Instagram post nitong Martes, January 26.
    by Jet Hitosis for Pep.ph .
  • Planado ang pagbubuntis ni Meryll Soriano sa anak nila ni Joem Bascon.

    Ito ang nilinaw ng 38-year-old actress sa kanyang Instagram post nitong Martes, January 26.

    Tampok sa post ni Meryll ang lumang pictures nila ni Joem, 34, habang nakaupo sa magkasunod na steps ng hagdanan.

    Mula sa likuran, nakayakap si Joem kay Meryll, na nakapangalumbaba naman habang nagme-make face.

    Sa caption, ikinuwento ni Meryll na kuha ang mga litratong iyon matapos nilang matuklasan ni Joem na nagdadalantao na siya "after planning and trying."

    Isa raw iyong "happy day" para sa kanilang dalawa.

    Kapansin-pansin namang naka-disable ang comments feature sa post na iyon ni Merryl.

    A second chance and a baby

    January 1, 2021 nang ibunyag ni Meryll, sa pamamagitan ng isang Instagram post, na nagkabalikan sila ni Joem at isinilang niya kamakailan ang kanilang anak.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Isa iyong kumpirmasyon sa ibinalita ng PEP Troika noong November 23, 2019 na nagkabalikan sina Meryll at Joem kasunod ng breakup ng aktor sa vlogger at long-time girlfriend nitong si Crisha Uy.

    Napaulat ang pagbabalikan nina Meryll at Joem matapos silang magkatrabaho sa Metro Manila Film Festival 2019 entry na Culion.

    Nang taong iyon, nagkasama rin sila sa ABS-CBN prime-time series na Starla, na pinagbidahan ni Judy Ann Santos.

    Taong 2009 nang unang nagkaroon ng romantic relationship sina Meryll at Joem habang ginagawa nila ang Kapamilya teleseryeng I Love Betty La Fea nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

    Nagkahiwalay sila noong October 2010 bago nagpunta sa London si Meryll para mag-aral.

    Joem-Crisha breakup

    Makalipas ang dalawang taon, taong 2012 nang makarelasyon ni Joem si Crisha.

    Nagsama sina Joem at Crisha sa loob ng walong taon hanggang nagkahiwalay noong 2019.

    Sa vlog ni Crisha noong January 10, 2020, inamin niya ang dahilan ng breakup nila ng aktor.

    "Wala na tayong magagawa if he fell out of love," namumugto ang matang sabi ni Crisha.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Hindi ko naman pwedeng pilitin yung tao na hindi na ako mahal."

    Nitong January 17, 2021, o dalawang linggo makaraang aminin nina Meryll at Joem ang kanilang pagbabalikan, inamin ni Crisha na nakaramdam siya ng "galit" at "sakit" sa kanyang nakumpirma.

    "Nagalit ako kasi bumalik yung feelings ko, na I was betrayed all over again," pag-amin ni Crisha sa kanyang vlog ng araw na iyon.

    "Finally, na-confirm ko na nagsinungaling talaga siya [Joem] noon, that I was lied to," dagdag ni Crisha.

     

    ***

    This story originally appeared on Pep.ph. Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading


View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles