embed embed2
  • Meryll Soriano Shows Sweet Photos With Joem Bascon, Get-together With His Parents

    Ipinakilala nila ang kanilang supling sa mga magulang ng aktor sa isang maliit na salu-salo.
    by Rachelle Siazon for Pep.ph .
Meryll Soriano Shows Sweet Photos With Joem Bascon, Get-together With His Parents
PHOTO BY Instagram/@planetumeboshi
  • Idinaan ni Meryll Soriano, 38, sa sweet photos ang kanyang saya sa piling ng karelasyong si Joem Bascon, 34.

    Ngayong Lunes, January 18, nag-post sa Instagram si Meryll ng litrato nila ni Joem na kuha sa isang beach.

    Tila nasa tabing-dagat sila dahil pareho silang basa at may buhangin ang mga braso ni Joem.

    Simpleng caption ni Meryll, "Thank you."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    January 1, 2021 nang isapubliko ni Meryll ang pagbabalikan nila ni Joem.

    Mula noon ay mas naging bukas na siya sa pagbabahagi ng kanilang litrato kasama ng kanilang newborn baby.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Napatunayan daw ni Meryll na walang kapantay ang pagmamahal sa kanya ni Joem sa tindi ng pag-aalaga raw nito sa kanya lalo na noong siya ay buntis.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "Thank you for taking care of me—now US. Your love is unparalleled," ani Meryll kay Joem sa isang Instagram post noong January 10.

    Noong January 8, ibinahagi ni Meryll na naging maselan ang kanyang pagbubuntis dahil sa kanyang edad na 38.

    Nagkaroon din siya ng gestational diabetes habang siya ay buntis kaya siniguro raw ni Joem na tama ang pagkain niya at sinasabayan siya nito sa mga workout.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi pa ni Meryll, "He's the best. Thank you so much, Dud."

    Noong January 11, nag-post si Meryll ng picture nila Joem na may mga katagang "Love and Other Stories."

    Meryll and Joem introduce son to actor's parents

    Naipakilala na rin nina Meryll at Joem ang kanilang baby boy sa mga magulang at kapatid ni Joem.

    Noong January 16, ipinost ni Meryll ang family picture nila kunsaan makikitang buhat ng ina ni Joem ang baby.

    "Family is everything," simpleng caption ni Meryll.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nauna nang naibahagi ni Meryll ang bonding nila ng ama na si Willie Revillame kasama ang baby.

    Binisita na rin si Meryll ng kanyang tiyahin na si Maricel Soriano na tinawag niyang "Mommy 2."

    Meryll and Joem's love story

    Naging low-key sina Meryll at Joem nang unang manumbalik ang kanilang relasyon.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    As early as November 2019, naiulat ng PEP Troika ang breakup ni Joem sa ex-girlfriend nitong si Crisha Uy at ang pagbabalikan nina Joem at Meryll.

    Nagkatrabaho sina Meryll at Joem sa Metro Manila Film Festival 2019 entry na Culion pati na rin sa ABS-CBN prime-time series na Starla.

    Hindi sinagot ni Joem ang pang-uusisa ng press tungkol sa kanila ni Meryll nang humarap sa presscon ng Starla noong January 2020.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Hanggang sa noong September 2020, nag-post si Meryll ng litrato kunsaan may kahawak-kamay siyang lalaking nakatalikod.

    Tila throwback picture iyon mula sa kanilang bakasyon sa Japan bago nag-lockdown noong Marso.

    Kalakip nito ay isang tula na waring nagpapahiwatig ng pag-iibigan nila ni Joem na nanumbalik matapos ang hiwalayan nila noong 2010.

    Sabi sa tula: "Perhaps we only leave

    "So we may once again arrive,

    "To get a bird's eye view

    "Of what it means to be alive.

    "For there is beauty in returning.

    "Oh, how wonderful, how strange,

    "To see that everything is different

    "But know it's only you who's changed."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sinasabing unang naging magkarelasyon sina Joem at Meryll matapos magkatrabaho sa I Love Betty La Fea, ang Kapamilya teleserye na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo mula August 2009 hanggang April 2010.

    October 2010 nang kumpirmahin nina Joem at Meryll ang kanilang breakup bago nagtungo ang aktres sa London para mag-aral.

    This story originally appeared on Pep.ph. Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles