PHOTO BY INSTAGRAM /aces_and_queens, FACEBOOK /THE QROWN PHILIPPINES
Gumawa ng kasaysayan ang aspiring beauty queen na si Clare Dacanay, 24, mula sa Parañaque City dahil siya ang kauna-unahang nanay na susubukan ang kapalaran sa Miss Universe Philippines 2023.
Naghain si Dacanay ng kanyang aplikasyon sa Miss Universe Philippines bilang pagtugon sa bagong patakaran ng Miss Universe Organization na tatanggap na ito ng mga kababaihang aplikante na hiwalay sa asawa, kasal, at meron nang mga anak.
Una itong inihayag ni Miss Universe Organization Chief Executive Officer Amy Emmerich sa email na ipinadala nito sa mga national director noong August 2022.
"Effective with the 72nd Miss Universe competition and national preliminary competitions leading up to it, women who are or have been married, as well as women who are pregnant or have children, will be able to compete,” bahagi ng memorandum ni Emmerich para sa mga national director ng Miss Universe na nagbigay kay Dacanay ng inspirasyon para lumahok sa Miss Universe Philippines 2023.
Inanunsyo na ng Miss Universe Philippines 2023 ang top 40 official candidates, at kabilang si Clare dito. Siya ang unang Pilipina na nanay na lalahok sa Miss Universe Philippines 2023.
Posible niyang makatunggali ang mga former beauty title-holder na sina Michelle Dee at Samantha Panlilio na naghain din ng mga aplikasyon sa nabanggit na beauty pageant.
Si Michelle ang Miss World Philippines 2019 winner at Miss Universe Philippines Tourism 2022.
Si Samantha naman ang naging kinatawan ng ating bansa sa Miss Grand International 2021 na ginanap sa Bangkok, Thailand noong December 4, 2021.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.