-
Nadine Samonte Gumamit Ng 'Band-Aid' Para Ma-Wean Ang Anak Sa Pagpapadede
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments
Mahalaga ang breastfeeding para kay Nadine Samonte. Naalala niya noong una siyang sumubok na magpasuso sa kanyang panganay na si Heather, na ipinanganak noong August 27, 2016. Aniya nanibago siya dahil “weird” ang kanyang pakiramdam at sobrang sakit pa. Kalaunan ay nasanay din siya kaya exclusively breastfed si Heather hanggang umabot ito ng 2 years at 3 months. Ito ang panahon na nalaman niyang buntis siya sa kanyang ikalawang anak na si Titus, na ipinanganak ng April 28, 2019, at siya naman niyang pinapasuso ngayon.
Inamin ni Nadine sa SmartParenting.com.ph sa isang event kamakailan na nahirapan siyang patigilin si Heather sa breastfeeding. Hindi daw siya nagpakita sa bata ng three days para sana matuto ito na hindi maghanap ng kanyang gatas. Ngunit nang magkita sila ay automatic na nagtangka itong sumuso.
“Ang ginawa ko, naglagay ako ng nipple tape on both nipples,” lahad ni Nadine. “No’ng nakita niya, sabi niya, ‘What’s that?’ Sabi ko, ‘That’s Band-Aid.’ Sabi niya, ‘Oh, no!’ Nag-stop siya.”
Dagdag pa ni Nadine na sa tuwing maiisip muli ni Heather ang breastfeeding, maaalala din ng bata ang band-aid kaya titigil na ito sa paghingi ng breast milk hanggang sa tuluyang nang huminto. Sa simula daw ay nanibago si Heather sa lasa ng formula milk gayun din sa solid food, pero nasanay din ito.
“What’s good about my daughter is sobrang simple lang niya,” wika niya. “Gusto lang niya ng galunggong and rice, ’yon lang. Galunggong lang, masaya na siya. Oo, prito. Tatlo ’yan: galunggong, pampano, o tilapia. Isda siya talaga. If you’re gonna give her beef, pork, or chicken, ayaw niya. Chicken, crispy minsan. But she’s gonna go for fish pa rin.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSa pagpapakain naman ng gulay ay may technique si Nadine. Aniya, “Ang ginagawa ko, nag-i-steam ako, like ’yong broccoli, pechay, kangkong, or talbos ng kamote. Hihiwain ko, ’tapos ilalagay ko sa ilalim ng kanin.”
Ibinahagi din si Nadine ang pagkakaiba ng kanyang dalawang kids: “Si Heather, super bait siya no’ng baby. Never siyang umiyak, as in sobrang bait. Si Titus, sa first 3 months, iyak nang iyak. I don’t know why. Nataranta ako kasi kay Heather, hindi gano’n, e. So I was always panicking kung ano ang gagawin. Pero after three months, nawala. Siguro alam na niya ang gagawin niya.”
Nag-alala din siya kung paano sasabihin kay Heather na magiging ate na ito. Binalaan kasi siya ng ilang kaibigan na maaaring magkaroon ng ito problema katulad ng pagseselos. Kaya nag-isip na siya ng paraan para maiwasan ang ganoong scenario.
Kuwento niya, “What I did, sa tummy pa lang si Titus, I was telling Heather, ‘He’s your brother. You have to take care of him. You should love him. It’s like you when you were a baby.’ I’d always tell her like that. ’Tapos sa hospital kami, the moment na nakita niya, alam na niya. Instinct na niya na, ‘Oh, my brother!’ She’s a very loving and caring sister.”
CONTINUE READING BELOWwatch nowBasahin dito ang mga paraan kung oras na para patigilin si baby sa pagpapadede.
What other parents are reading

- Shares
- Comments