embed embed2
  • Nakatira Si Vico Sotto Kasama Ng Ina Ngayon At Wala Raw Silang Kasambahay

    Idinetalye rin ng pinakabatang mayor ng bansa kung paano niya sinisigurong healthy siya.
    by Ana Gonzales .
Nakatira Si Vico Sotto Kasama Ng Ina Ngayon At Wala Raw Silang Kasambahay
PHOTO BY Vico Sotto/Instagram and GMA News
  • Kamakailan nga ay nakipagkwentuhan si Mayor Vico Sotto kay GMA journalist at COVID-19 survivor Howie Severino, para sa pinakaunang episode ng bagong palabas ng GMA na Quarantined with Howie Severino.

    Dito ibinahagi ng pinakabatang mayor ng bansa kung anu-ano ang mga kasalukuyang pinagkakaabalahan niya at kung paano niya pinapanatiling malusog ang kanyang pangangatawan.

    More for parents like you

    Sa ngayon ay nakatira si Vico kasama ang kanyang inang si Coney Reyes dahil mas praktikal ito. "But we don't see each other a whole lot," pahayag ni mayor. "I say bye to her in the morning and I say hi to her in the evening and good night," dagdag pa niya.

    Lagi raw siyang tinatanong ng ina kung nakakakain ba siya ng maayos. "Ayaw ko na ring istorbohin siya masyado, na maghahanda pa para sa akin," sabi ni Vico. "Wala kasi kaming kasambahay ngayon. That's how she keeps active also."

    More for parents like you

    Dahil nga ayaw niya nang abalahin pa ang ina, sa opisina na lang siya kumakain. "Practically, almost all of my meals are here in the office."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Nitong May 27, binati ni Vico ang kanyang ina sa kaarawan nito sa pamamagitan ng isang nakakatawang litrato nilang dalawa na may simple ngunit sweet na caption, 'Happy Birthday, Mama! I love you!'

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Marami nga sa kanyang mga social media followers ang natawa at naka-relate sa pagbati niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pagdating naman sa pag-aalaga sa kanyang sarili ngayong may banta ng COVID-19, ibinahagi niyang sinusubukan niyang kumain ng tama at magkaroon ng sapat na pahinga.

    "We're just trying to stay healthy, eating properly, getting some rest as well," kwento niya. "It's easy to forget that we have to rest," dagdag pa ni Vico. "Pero tao lang din tayo, kailangan nating magpahinga or else, magbe-breakdown naman ang mga katawan natin."

    Kwento pa ni Vico, may nagluluto sa kanilang opisina kaya 'relatively healthy' naman ang mga meals niya. "Minsan, hindi rin maiwasan ang junk foods at unhealthy foods."

    More for parents like you

    Sabi pa ng mayor ng Pasig city, hindi rin daw siya masyadong nakakapag-exercise dahil na rin sa kawalan ng panahon. "Although I try kahit once a week, pero mahirap eh." Sa kabilang banda, sinusubukan na lang daw niyang matulog nang sapat na oras. "It's easier said than done, but sinusubukan ko."

    Sa pagtatrabaho naman niya ngayong may pandemic, biniro niya si Howie na mayroon silang tinatawag na work-from-home-from-office o WFHFO, sabi nga ni Howie. At home na at home o nakapambahay kasi ang ilan sa mga officemates ni Vico habang nasa opisina.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tinanong din ni Howie kung paano binabalanse ni Vico ang self protection at ang kanyang mga tungkulin bilang public official.

    More for parents like you

    Inamin naman ni Vico na natatakot din siya sa posibleng maging epekto sa kanya at sa kanyang mga kasamahan sa trabaho ng paglabas-labas nila para gampanan ang kanilang mga tungkulin.

    "Wala namang tao ngayon na hindi natatakot," paliwanag niya. Aniya, mas exposed pa rin ang mga frontliners at medical health workers. Kaya kahit natatakot siya, mas pinipili pa rin niyang gampanan ang kanyang tungkulin. "Let's do this, even if we're a little bit scared."

    "With that said, we take every safety precautionary measure possible," dagdag pa niya. "Pinakaimportante 'yung social distancing." Minsan pa nga raw ay may dala pang megaphone ang mayor para ipaalalang kailangang maglayo-layo ng mga tao.

    More for parents like you

    Marami pang tinalakay sina Howie at Vico tungkol sa pamamalakad ng huli sa kabila ng banta ng COVID-19. Ilan na riyan ang mga agam-agam tungkol sa rapid antibody test, pati na rin ang mga posibleng pagbabagong kailangang gawin ng national government para mas maging maayos ang buhay ng mga tao sa tinatawag na 'new normal'. Maaari mong panooring ang buong episode dito.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para sa iba pang mga kwento at balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles