-
Nanganak Na Si Carol Banawa! 'Easter Sunday Blessing' Ang Kanyang Baby #3
Nakabase sa United States ang singer at registered nurse na rin.by Jocelyn Valle .
Nanganak na si Carol Banawa sa ikatlong anak nila ng asawang si Ryan Crisostomo. Nakabase ang mag-asawa sa U.S. capital na Washington D.C. kasama ang kanilang mga anak na si Chelsea at River.
Nag-post nitong April 6, 2021 si Carol sa kanyang Instagram account ng black-and-white photo karga ang kanyang newborn.
"Easter Sunday Blessing" ang bungad niyang pagbati sa kanyang followers. Dagdag pa niya, "As we received the blessing of Christ's Resurrection, our family was blessed with another gift of life."
September 2020 nang inanunsiyo ni Carol ang kanyang pagbubuntis, at March 2021 naman nang ibahagi niya ang kanyang maternity photos. Registered nurse na siya ngayon sa U.S., pero patuloy pa rin ang kanyang singing career.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWCONTINUE READING BELOWRecommended VideosWhat other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network