embed embed2
  • Matindi Pa Rin Ang COVID-19 Batay Sa Pagkamatay Ng Isang Bagong Panganak Sa U.S.

    Eight months siyang buntis nang malamang infected ng coronavirus.
    by Jocelyn Valle .
Matindi Pa Rin Ang COVID-19 Batay Sa Pagkamatay Ng Isang Bagong Panganak Sa U.S.
PHOTO BY Shutterstock/Inez Carter
  • Ligtas na nanganak ang isang COVID-19 patient sa U.S. city na Detroit noong November 15, 2020, ngunit hindi naman siya nakaligtas sa nakamamatay na sakit. 

    Ito ang kuwento ni Erika Becerra, 33, nang hindi man lang nahawakan ang baby boy na isinunod ang pangalan sa kanyang mister na si Diego. Sumakabilang-buhay siya makaraan ang 18 days mula nang nanganak

    Ikalawang anak ng mag-asawa si Baby Diego, kasunod ng 1-year-old daughter nilang ipinangalan naman kay mommy, kaya Erika junior kumbaga. Negative sa coronavirus ang mag-aama, ayon sa ulat ng The New York Times.

    Ikinuwento ni Claudia Garcia, ninang ni Erika, sa news report na hindi alam ng pamilya ng nasawi kung paano ito dinapuan ng virus. Ang hinala nila naging infected si Erika nang early November, pagtungtong nito sa 8 months ng pregnancy. Napadalas kasi ang punta niya sa doktor dahil sa naranasang mild contractions.

    November 7 nang makumpirmang positive si Erika sa COVID-19. Nakaramdam siya ng pananakit ng katawan, nilagnat, at nanikip ang dibdib. Pagkaraan ng ilang araw, nahirapan na siyang huminga, kaya tumawag na ang kanyang asawa ng ambulansya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tatlong araw makalipas ma-admit sa ospital sa Detroit, nanganak si Erika nang November 15 at lumabas si Baby Diego na malusog. Pero bumagsak naman ang sarili niyang kalusugan dahil sa COVID-19. Wala na daw siyang iba pang known health problems.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Kaagad inilagay si Erika sa ventilator at nanatili sa ganoong kondisyon sa loob ng 18 days bago tuluyang bawian ng buhay nitong December 3. Sinamahan siya sa kanyang mga huling sandali ng mga kamag-anak, kabilang ang isang kapatid na lalaki na sumugod pa mula sa Los Angeles, California.

    Lahat daw ay nabigla, sabi Claudia. Aniya, “It was a complete shock…She was fine. I’m speechless. I’m still trying to wake up from this nightmare.”

    Hindi niya raw makalimutan kung gaano kasaya ang kanyang inaanak nang malaman nitong baby boy ang ipinagbubuntis. Lahad niya, “She was excited. She would say, ‘I’m going to have my boy and I’m going to have my girl, and they’re going to grow up together.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Noon ding November, idinagdag ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa U.S. ang pregnancy sa listahan ng mga health condition na naglalagay sa COVID-19 patients sa mataas na panganib. Ibig sabihin mataas ang tsansa na mas malalang sakit ang mararanasan nila at posibleng kamatayan.  

    Base ang desisyon na iyon sa isang pag-aaral na nilahokan ng 409,462 na symptomatic na kababaihan may edad mula 15 hanggang 44 na positibo sa coronavirus. Buntis ang 23,434 sa kanila.

    Napag-alaman na nahaharap ang mga buntis sa 70 percent na increased risk of death kumpara sa mga hindi buntis pero symptomatic din.

    Ayon sa mga eksperto, isang paalala ang pagkasawi ni Erika na importante para sa mga buntis na sundin ang social distancing, magsuot ng face mask (at face shield dito sa Pilipinas), at bawasan ang paglabas sa kanilang bahay.

    Sinabi rin nilang kailangan pa ng mas maraming data para malaman nang husto ang panganib na kinahaharap ng mga buntis na infected ng virus. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles