embed embed2
  • May Memorable Apology At Promise Si Neil Coleta Para Sa Kanyang Mag-Ina

    Baby girl ang panganay ng actor at kanyang partner.
    by Jocelyn Valle .
May Memorable Apology At Promise Si Neil Coleta Para Sa Kanyang Mag-Ina
PHOTO BY Instagram/imcoletaneil
  • Sumakay sa uso si Neil Coleta para bigyan ng memorable apology at promise ang partner niyang si Chin Kee at kanilang baby girl na si Jazmin Chinnei Coleta. Ito ang paggamit ng money bills bilang pagbuo ng kanyang mensahe.

    Sa ibinahaging litrato ni Neil sa kanyang Instagram account nitong unang linggo ng September 2021, makikita ang nakaayos na itsurang Php1,000 bills sa kama. Nakaluhod sa ibaba ng kama si Neil na parang nagmamakaawa, habang nakatayo naman si Chin na nakatiklop ang mga braso. Buntis pa siya ng panahon na iyan.

    Ang mensahe ni Neil (all caps): "Sorry, Baby Jazmin, hindi na kami mag-aaway."

    Hindi nagkuwento sa kanyang caption ang aktor, na napapanood sa ABS-CBN shows tulad ng Maalaala Mo Kaya. Ang sabi niya lang patungkol sa kanyang anak: "To the brave girl Ilove the most.. You will always be the miracle that makes my life complete.."

    Kalakip sa Instagram post ang dalawang litrato ng newborn. Posted ang mga ito isang araw pagkatapos inanunsiyo ni Neil, sa social media rin, ang pagsilang ng anak. May sariling post din si Chin sa kanyang account.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa naunang post ni Neil, litrato niya kasama si Baby Jazmin ang nakabungad at kasunod ang litrato ng kanyang mag-ina sa ospital.

    Lahad ni Neil sa caption, "Salamat po panginoon sa normal delivery ni Chin kay baby Jazmin… hirap explain ng nararamdaman pero sobrang thankful dahil binigay nyo sya samin.. for me pinaka magandang blessings sa buhay ko to and samin ni Chin..

    "Mahal na mahal kita Jazmin at lahat gagawin ko para sa inyo ng mommy mo masasabi ko lang sobrang sarap sa feeling parang nawawala lahat ng pagod at stress mo sa unang kita mo sakanya na naka ngiti..haha! Hindi ko man kakulay char! Welcome to the world our Baby Jazmin!"

    Noong February ibinalita ni Neil na magkakaroon na sila ng anak ni Chin, na dating Wowowin host at dancer.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    What other parents are reading

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles