embed embed2
  • Mas Madali Nga Bang Kumalat Sa Mga Bata Ang Bagong Coronavirus Variant?

    Suspendido pa rin ang face-to-face classes sa Pilipinas dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.
    by Jocelyn Valle .
Mas Madali Nga Bang Kumalat Sa Mga Bata Ang Bagong Coronavirus Variant?
ILLUSTRATOR Shutterstock/Imilian
  • Nitong Wednesday, January 13, 2021, kinumpirma ng Department of Health (DOH) na narito na sa Pilipinas ang new variant ng coronavirus na sanhi ng COVID-19. Natukoy ito sa isang Pinoy na biyahero galing United Arab Emirates (UAE) noong January 7. 

    Unang nadiskubre ang bagong variant sa United Kingdom. Sinasabing mas nakakahawa ito kumpara sa virus na unang kumalat mula China. Nakarating na rin ang new variant sa marami pang bansa.

    Ayon sa ulat ng The New York Times, nagsagawa kamakailan ng research ang Public Health England (PHE) base sa detailed contract-tracing ng 20,000 katao na dinapuan ng new variant, kabilang ang 3,000 kabataan edad 9 pababa. 

    Lumabas sa pag-aaral: "Young children were about half as likely as adults to transmit the variant to others." Totoo din ito para sa unang iteration ng virus.

    Haka-haka lamang sa ngayon ang balita na higit na ikinakalat ng mga bata ang variant na ito.

    Ngunit ang pagkakaiba, ayon sa sa PHE research, mas madaling kumakalat ang bagong variant sa mga bata, tulad ng sa mga matatanda.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tinatayang mula 30% hanggang 50% na mas nakakahawa ang ito kumpara sa mga naunang COVID variants. Kaya inaasahang malaki ang dalang perwisyo nito.

    Kaya naghigpit muli sa UK sa pagsunod sa health at safety protocols, tulad ng pagpapatupad ng remote learning sa mga eskuwelahan hanggang kolehiyo. Pinahinto rin ang in-person classes sa Germany. Maaaring sumunod ang United States at iba pang mga bansa na apektado ng new variant.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa Pilipinas, binaligtad ni President Rodrigo Duterte ang nauna niyang desisyon na payagan ang face-to-face classes na magkakaroon sana ng pilot run ngayong January. Mananatili itong suspendido “until further notice,” pahayag ng Department of Education (DepEd) sa kanilang advisory.

    Lumabas din sa PHE research na mas malaki ang posibilidad na manghawa ang mga kabataang may edad 10 hanggang 19 kumpara doon sa mas bata sa kanila. Pero hindi kasing taas ng panganib na dulot ng adults na manghawa.

    Maaaring mag-iba ang scenario kapag naging aktibo ang new variant sa eskuwelahan, babala ng mga eksperto. Kaya pinaaalalahanan nila ang school administrations na ibayong pag-iingat ang pairalin kung ipagpapatuloy ang in-person classes.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anila, subok na mabisang hakbang ang mga sumusunod:

    • Pagsusuot ng face mask para sa students at school staff
    • Siguraduhing may adequate ventilation sa eskuwelahan, kahit sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bintana
    • Pagsunod sa distansya sa bawat estudyante
    • Huwag kalilimutan ang hand hygiene
    • Paggawa ng hybrid schedules
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles