embed embed2
  • Bagong Dad Sa New York Inilihim Ang COVID-19 Symptoms Para Makapasok Ng Ospital

    Epicenter ng COVID-19 ang New York sa United States sa kasalukuyan.
    by Jocelyn Valle .
Bagong Dad Sa New York Inilihim Ang COVID-19 Symptoms Para Makapasok Ng Ospital
PHOTO BY iStock
  • Dahil sa kagustuhang mabisita ang kanyang misis sa maternity ward, isang lalaki sa New York, U.S.A. ang pumasok ng ospital nang hindi nagsasabing nakakaranas siya ng sintomas ng COVID-19.

    Inamin na lang niya ito nang ang misis naman niya ang nagpakita ng parehong sintomas pagkatapos nitong manganak.

    Ito ay ayon sa artikulo ng People.com na nailathala din sa Parents.com nitong March 31, 2020. Ngunit hindi malinaw sa ulat kung ang new parents, maging ang kanilang newborn, ay nagpositibo sa COVID-19 test.

    Nangyari ang insidente noong isang linggo sa Strong Memorial Hospital sa Rochester, isang city sa New York state. Parte ang ospital na ito ng University of Rochester (UR) Medicine at Rochester Regional Health group.

    Bunsod nito ay nag-anunsiyo ang UR Medicine noong March 30 ng mas mahigpit na patakaran para sa mga bisita ng mga ospital na nasasakupan nito na may maternity services, tulad ng Strong Memorial Hospital. Sasailalim ang mga bisita sa screening, tulad ng pagkuha ng temperature, upang malaman kung may COVID-19 symptoms sila.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Ipinapatupad din ang pagsusuot ng medical mask sa lahat ng hospital staff, patients, at visitors habang nasa public spaces ng ospital, ayon naman sa Democrat & Chronicle newspaper. 

    Nakasaad pa sa UR Medicine website ang pinaiiral nitong zero-visitation policy para maprotektahan ang mga pasyente at tauhan ng ospital sa pagkalat ng virus. May ilan lang exemptions, kabilang ang isang guardian para sa pediatric patients at isang support person para naman sa obstetric patients. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ilang linggo na nilang sinimulang limitahan ang pagpasok ng mga bisita, sabay sa paghihigpit ng iba pang ospital sa New York, alinsunod sa kanilang layunin na mapigilan ang pagdapo ng COVID-19 virus sa highly vulnerable patients at medical staff.

    May ilan pang ospital, tulad ng mga pinapatakbo ng New York-Presbyterian, ay tuluyang pinagbawalan ang mga buntis na magsama ng sino man sa delivery room. Anila sa isang statement, bawal kahit na birthing partners at support persons para sa obstetric patients upang masiguro ang kaligtasan ng bagong ina at sanggol.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Inabisuhan naman ng medical groups ang mga pasyente na ang hospital staff ay sisikapin na maging “stay in touch via FaceTime, Skype, phone, and email” sa pamilya ng mga pasyente.

    Noon pang early March, nagbigay na ng statement ang New York State Department of Health na nagpapayo sa mga ospital na isuspende muna ang pagtanggap ng bisita, liban sa pamilya o legal representatives ng mga pasyenteng malubha na ang lagay.

    Subalit ang mga nasabing exemptions ay kailangang masuri sa sintomas ng COVID-19, tulad ng pag-ubo, hirap sa paghinga, at lagnat. 

    Ayon sa datos nitong March 31, mayroong 75,795 confirmed cases ng coronavirus sa New York state at 1,550 dito ay pumanaw na.

    More from Smart Parenting

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles