embed embed2
  • Nasasaktan Si Pokwang Na Kapwa Niya Mga Nanay Hindi 'Nagi-Gets' Ang Kanyang Pinagdadaanan

    Malalim ang iniwang sugat ng ex niyang si Lee O'Brian, na tatay ng kanyang 5-year-old na si Malia.
    by Arniel C. Serato for Pep.ph .
Nasasaktan Si Pokwang Na Kapwa Niya Mga Nanay Hindi 'Nagi-Gets' Ang Kanyang Pinagdadaanan
PHOTO BY Instagram/itspokwang27
  • Labis-labis na nasasaktan si Pokwang sa bashing na kanyang natatanggap mula sa mga kapwa niya ina at babae.

    Kaugnay ito ng kanyang hayagang pagtuligsa sa dating kinakasamang si Lee O’Brian bunsod ng kawalan umano nito ng pinansiyal na suporta sa kanilang anak na si Malia.

    Read: Pokwang on ex-partner Lee O’Brian: “Anim na taon ko na pala siya palamunin.”

    Sa panayam ni Karen Davila kay Pokwang para sa vlog ng Kapamilya broadcaster na lumabas noong May 18, 2023, nakiusap ang Kapuso comedienne sa netizens na hayaan muna siyang maglabas ng sama ng loob laban sa ex-partner.

    Lagi raw kasi siyang nakakabasa na “bitter” siya dahil sa hiwalayan nila ng American actor.

    Pahayag ni Pokwang: “Ang masasabi ko lang, wala kasi kayo sa sitwasyon ko. Madaling sabihin, ‘Mag-move on ka na,’ ‘Bitter ka,’ kasi hindi kayo ngayon ang nakakaranas ng pain.

    “At ipagdasal niyo na huwag mangyari sa inyo, sa mga kamag-anak niyo, sa best friend ninyo.

    “Sana huwag niyo pagdaanan ang pinagdaanan ko. Walang sugat na malalim na takpan mo lang ng bandage, ‘no, ang sugat naghi-heal yan nang unti-unti.

    “Hayaan niyo lang muna akong sumigaw kasi mahapdi. Sumapi muna kayo sa akin nang maramdaman niyo.”

    Kasunod nito ang paglabas ni Pokwang ng hinanakit sa mga kapwa babae at inang katulad niya na pumupuntirya sa kanya sa social media.

    Aniya, “At ang masakit pa, kapwa ko babae, yung mga nanggaganyan sa akin, mga nanay.

    “Nanay kayo, babae kayo, hindi niyo ako nagi-gets? Mas tanggap ko pa kung lalaki nangba-bash sa akin, e.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Ako’y agrabyado pero, sabi ko nga nung bago pa lang kami, bina-bash siya sa social media.

    "Bina-bash yan, kawawa yan, sobrang bina-bash, ‘Huwag mong lolokohin yang si Pokwang,’ ‘Pag yan niloko mo kami makakalaban mo,’ ‘Huwag mong gagamitin yan,’ ‘Huwag kang user.’

    “Panahon na bago kami. So, pinagtatanggol ko siya sa social media kasi sabi ko, ‘Let’s give him a chance, hindi naman siya ganyan.’

    “Now, ako yung nasaktan, ako yung naglabas ng hinanakit ko, ako pa masama ngayon? Ano to? San ako lulugar? Di ba? It’s so unfair."

    Sabi pa ni Pokwang, “Kaysa pakialaman niyo ang nararamdaman ko, magdasal kayo na huwag mangyayari to sa mga anak niyong babae, at sa kapatid niyong babae.”

    Nitong mga nakaraang araw, hindi tinantanan ni Pokwang si Lee na patuloy niyang tinatawag na “user.”

    Read: Pokwang reveals she wants to change daughter's surname; calls ex-partner Lee O’Brian "user"

    Pati ang mga magulang ng American actor ay kanya ring napagdiskitahan dahil wala man lang daw itong ipinapadalang “package” para sa kanilang apo.

    Read: Pokwang takes a swipe at Lee O'Brian's parents for not sending "package" to Malia

    Sinabi rin ni Pokwang na kaya siya binati ni Lee noong Mother’s Day ay upang mapag-usapan ito dahil sa kanyang pinu-promote na pelikula.

    Read: Pokwang says ex-partner Lee O'Brian greeted her on Mother's Day for movie promo

     

    This story originally appeared on Pep.ph.

    *Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close