embed embed2
  • Posible Pa Ba Ang Face-To-Face Classes Sa Hinaharap? Heto Ang Paliwanag Ng DOH

    Pagkatapos ng surge at ng pagbabakuna, makakabalik pa nga kaya ang mga bata sa eskwelahan?
    by Ana Gonzales .
Posible Pa Ba Ang Face-To-Face Classes Sa Hinaharap? Heto Ang Paliwanag Ng DOH
PHOTO BY Shutterstock/stockphoto mania
  • Nitong mga nakaraang linggo ay patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa ating bansa. Sa huling tala ng Department of Health (DOH), nasa humigit 9,000 na ang bilang.

    Kaya naman ipinatupad nang muli ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga karatig bayan at siyudad nito tulad ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

    Sa ilalim ng ECQ, bawal lumabas ang mga bata edad 18 pababa at matatanda edad 65 pataas. Bawal ding lumabas ang mga buntis at hindi pinahihintulutan ang mass gatherings.

    Online classes pa rin ang ipatutupad. Ibig sabihin, patuloy ang pagiging teacher nanay at tatay ng mga magulang sa kanilang mga anak.

    Noong mga nakaraang buwan, sinabi ng pamahalaan na no vaccine, no face-to-face classes. Pero ngayong mayroon nang bakuna, posible na nga kayang magkaroon ng face-to-face classes ang mga bata pagkatapos ng surge at kapag nai-distribute na sa masa ang bakuna?

    Sa panayam ng mga Summit Media editors kay Dr. Beverly Ho ng DOH, sinabi niyang maaaring ma-manage ang takot sa COVID-19-inducing death kung matapos na ang pagbabakuna sa unang dalawang sektor na prayoridad sa pagbabakuna.

    "I think we will see a lot of changes once [the] 10 million senior citizens and our 1.8 million healthcare workers are done," paliwanag niya.

    Ayon sa kanya, kasalukuyan pang ongoing ang pagbabakuna sa ating mga healthcare workers. "The vaccination program is on schedule," pagsisimula niya. "We've distributed more than 96% already of [the vaccines] that we have on hand."

    Paliwanag niya, inuuna ang mga healthcare workers alinsunod sa prioritization na itinalaga ng COVAX facility, sa pamumuno ng World Health Organization at UNICEF.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    "The eventual decision for opening classes is going to be made, not by the DOH, but by DepEd and siyempre with the president," sabi niya nang tanungin kung maaari nang ibukas ang klase kapag nagsimula nang bakunaan ang masa.

    "Dito sa atin sa Philippines, we live in multi-generational households," sabi ni Dr. Ho. "That means, the lola is there, the parents are there, and the kids are there."

    Ayon kay Dr. Ho, mahirap na isiping hindi maaapektuhan ang mga bata dahil nakatira sila kasama ang mga matatanda na maaaring exposed sa virus.

    "Kung significantly mag-drop 'yung ability natin to infect, then I think the confidence to open up is really going to be there," sabi niya.

    "Kahit hindi pa natin abutin ang 70%, these first two populations should actually spell a whole big difference."

     

    ***

    Kumusta ang distance learning sa inyo? Struggle is real ba para matuto ang mga bata? I-share ang inyong experience sa comments section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close